Herbilim : Chapter 22

24 1 0
                                    

Jastin's pov

Nasa baba na kaming lahat at handa nang pumasok habang sila Henvy at Carl ay napansin kong palinga-linga sa paligid.

"Bakit?" tanong ko sa kanilang dalawa na may halong pagtataka.

Pero ilang sandali ang nakalipas wala akong nakuhang sagot sa tanong ko sa halip nakita kong humakbang si Carl papunta sa isang puno at pumulot doon ng isang maliit na bagay na may tulis ang dulo. Isang bato.

Nilapitan siya ni Henvy. "Sumulat ka riyan. Pati na rin sa mga punong madadaanan natin. Para kapag naligaw tayo may magagamit tayo pabalik bilang palatandaan kung saan natin iniwan ang kotse." Pag-uutos nito kay Carl na agad naman tumango.

Iyon pala ang dahilan kung bakit palinga-linga ang dalawa.

Magandang ideya nga ito kung sakali ngang magkakaroon ng hindi inaasahan o kung sakaling maligaw at maisipan na naming bumalik. Kung titignan kasi ang papasukan namin hindi nga imposibleng maligaw kami rito. Halos pare-parehas ang mga puno na makikita pati na rin ang mga halaman o kahit na ang mga hugis ng mga bato sa paligid.

"Mas maganda siguro kung hindi lang ako ang maglagay nang ganito." Lumapit sa amin si Carl. "Mas maganda rin kung medyo lakihan ninyo ang sulat sa puno para mas madaling makita." Matapos iyon bigla na lamang sumeryoso ang kaniyang mukha at inilipat ang tingin sa gubat. "Para naman in case na may mangyaring hindi maganda. Hindi tayo sigurado kung ano ang mayroon sa loob."

Tingin ko hindi lang ako ang nag-iisip ng mga bagay na iyon.. na baka mapahamak kami sa pagpasok namin rito lalo na't halata na walang nakatira sa parte ng lugar na ito. At kapag nga may nangyaring hindi maganda sa amin walang makakarinig ng paghingi namin ng tulong.

"Mas okay sana kung tali ang ilalagay natin pahaba ito hanggang sa pupuntahan natin. Mas madali kasi itong makikita pero hindi tayo handa rito," sabi ni Denver. "Sige.. maglalagay rin kami." Pumunta siya gilid kung saan may mas maraming halaman na hindi katangkaran. Ang iba rito ay may mga bulaklak na kulay lila. At nagsimula na nga siyang maghanap ng matulis na bagay.

Isang bato lang kasi ang ibinigay sa amin ni Carl kaya kailangan talaga nila Vincent at Denver na humanap pa ng iba pa para may magamit din sila.

Itinaas ko ang tingin ko sa langit. Palagay ko isang oras na lang higit at magsisimula ng dumilim.

Oo nga pala. Katulad nga ng sinabi ni Denver hindi kami handa sa ganitong sitwasyon. Wala kaming dalang kahit na ano. Kahit na sabihin natin na gabi pa lang alam na namin na pupunta kami rito pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi namin inaasahan na papasok kami sa gubat.

Inilipat ko ang tingin ko sa kanila. "Ilan na lang percentage ng battery ng cellphone niyo?" tanong ko para makasiguro. "Hindi kasi tayo handa sa ganito kaya wala tayong dalang flashlight o kahit na anong magsisilbing liwanag kapag dumilim na. Kaya wag niyo munang gamit-gamitin ang cellphone." Tinuro ko ang itaas. "Magdidilim na. Wala tayong dalang kahit na ano kaya ang magsisilbing liwanag natin ay ang mga cellphone na dala natin." Tinignan ko ang cellphone ko. 45% na lang ang battery.. Sana bago magdilim makita na namin ang bahay na sinasabi ni father o kung kahit yung tao na lang na nakitang hawig ni father... "Pero si Henvy.." Inilipat ko ang tingin sa kaniya. "Tingin ko okay lang naman siguro na siya lang muna gumamit nang cellphone para matawagan si father kung sakaling makahanap tayo ng signal."

Matapos kong magsalita.. walang nagreklamo o nagsalita sa sinabi ko..

Halos sabay-sabay naming tinignan ang papasukin namin.

"T-tara na?" tanong ni Carl sa amin na ramdam mo sa tanong niya ang kaba.

Matapos itanong iyon ni Carl napansin kong hinakbang na ni Henvy ang isa sa mga paa niya. "Tara na," sagot nito.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon