Herbilim : Chapter 20

18 1 0
                                    

Jastin's pov

Kaagad namang sinunod ni Denver ang sinabi ko. Pati na rin si Vincent pinatay na niya ang cellphone niya.

"Tingin ko naman walang mangyayaring masama sa mga 'yon," sabi ni Carl. "Mag-focus muna tayo rito para matapos na."

Halos isang oras na rin ang nakakalipas simula nang umalis kami sa pinagburulan ni Elaine.

Marami-rami na rin kaming mga napag-usapan tungkol na rin sa mga bagay-bagay sa pamilya namin.

Pati na rin kung ano ang mga plano namin para sa kolehiyo at sa hinaharap namin..

Nalaman namin na huling taon na pala ni Henvy sa pilipinas. Sa Canada na niya binabalak magkolehiyo. Plano raw iyon ng mga magulang niya na ayaw niyang sundin noong una pero ngayon wala na raw si Elaine wala naman nang dahilan para ayawan pa niya ang bagay na iyon. At saka binabalak din pa lang ng pamilya niy na magtayo nang panibagong business sa Canada at sa kaniya raw ipapahawak ito.

Habang si Carl naman ay mananatili rito. Wala naman daw nabanggit ang mga magulang niya tungkol sa mga bagay na ganoon. Tinanong nga namin kung anong kukunin niyang kurso para sa kolehiyo halos lahat kami nagulat sa sinagot niya sa amin. Fine arts raw ang kukunin niyang kurso. Alam naman namin na halos lahat sa amin dito puro negosyo ang kinabubuhay ng pamilya.

Kaya nakakapagtaka lang na parang pinayagan siyang kumuha nang fine arts.

Mas ok na siguro na ganito muna ang pag-usapan namin para na rin malibang kami lalo na't maya-maya lang pagdating namin doon alam ko na puro kay Esther na naman ang mababanggit.

"Talaga?" tanong ni Vincent. "Payag naman kaya ang mga parents mo?"

Napansin naman namin na tumango si Carl. "Oo naman," sabi nito na may halong ngiti sa mukha base na rin sa rear view mirror ng kotse na nakikita ko. "Ang sabi kasi sa amin ng parents namin habang mga bata pa kami at sila kunin o gawin daw namin ang mga gusto namin sa buhay. Hindi raw nila kami pipigilan kasi hanggang kaya raw nilang ihandle ang negosyo sila ang hahawak non pero kapag nawala na sila saka na raw namin hawakan ang negosyo."

Katulad ng pamilya ni Elaine may mga restaurant ang pamilya nila Carl. May isang five star hotel na rin silang binuksan ngayong taon lang at naging maganda ang unang pagbukas nito. Halos wala pang isang taon ang hotel pero ang nabalitaan kong kinita nito ay halos mababawi na nila ang mga nagastos nila rito. Ayon sa sinabi ni mommy sa akin.

"Wow sana ganoon din ang mindset ng mga magulang ko," muling sabi ni Vincent.

Si Vincent kasi ay anak ng isang may-ari ng Aero Model Management. Ang magulang ni Keli at ang magulang ni Vincent ay mag-business partner.

Kaya nang nalaman ng magulang nila na mag-on ang dalawa, laking tuwa ng mga ito.

Kaya alam ko na ang magiging future ng dalawang ito haha

Habang si Denver naman ay detective ang ama at attorney ang ina.

Hindi ko lang alam kung iyon din ang gustong mangyari ni Denver sa kaniya sa future niya. Wala pa kasi siyang binabanggit sa amin.

At ang magulang naman ni Zia ay parehas na manager branch ng bangko. Ang alam ko may pinaplanong itayong boutique shop ang mga magulang niya. Alam ko kasi binabalak nang mag-resign ng mommy niya para magtayo na lang ng negosyo.

"Teka," sabi ni Carl at ginilid ang kotse. "Mag-yosi muna ako."

Tinignan ko naman ang gilid kung saan niya itinabi ang kotse. May maliit na tindahan doon.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon