Herbilim : Chapter 19

21 0 0
                                    

Jastin's pov

Malayo-layo na rin kami sa pinagburulan ni Elaine. Nasa edsa kami ngayon. At buti na lamang walang gaanong traffic.

"Oo nga 'no?" tanong ni Denver. "Paano kaya nawala sa kanila si Esther if ever na totoong kinuha ito?"

Kanina nang itinanong o biglang sabihin ni Carl iyan sa amin bago niya paandarin ang kotse kanina walang umiimik. Siguro lahat kami napaisip sa sinabi niya.

Paano nga ba nawala sa kanila si Esther? Hinanap pa ba nila ito? Ilang araw o buwan? Di kaya'y taon?

Pero, nalaman ba nila kung sino ang kumuha rito? Kilala kaya niya ang sinasabi ni Esther na Primus? At ano rin naman kaya ang ginagawa nila ng mga oras na kinuha si Esther?

Ano kaya ang ginagawa ni Esther ng mga oras na kinuha siya? Bigla na lang bang lumitaw o nagpakita sa kaniya ng mga ito?

O baka naman kilala niya at kusa siyang sumama pero hindi niya alam na ganoon pala ang gagawin?

Napakaraming tanong sa isip ko para bang gusto ko nang makarating kung na saan si Father Paul ngayon at maitanong o masagot na niya ang mga tanong namin.

Para bang nawala sa isip ko na noong kagabi at kanina lang parang ayaw kong sumama sa kanila kasi hindi ko alam kung ano na naman ang mangyayari o kung mauulit na naman ba na may mangyayari sa isa sa amin.

Paano ko nga ba mapo-focus ang sarili ko sa mga bagay na hindi dapat ganito?

"Ang hirap sagutin," sabi ni Vincent habang diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan. Nasa tabi kasi siya ni Carl na kasalukuyang nagmamaneho. "Naparami kong hinala na dahilan pero baka hindi rin naman iyon ang sasabihin ng kapatid niya."

Ako rin naman napakaraming iniisip na dahilan pero baka hindi rin naman iyon ang tama. At baka may mas malalim pang nangyari ang sasabihin ng kapatid niya- kung kapatid niya ba talaga ito.

"Tingin niyo ano naman kaya yung singsing na sinasabi ni Esther?" tanong naman ni Carl. "Kasi couple ring eh."

"Nakita niyo bang may singsing na suot non si Elaine?"

Napansin kong umiling si Denver. "Iyon nga yung pinagtataka ko rin. Wala rin kasi akong napansin na singsing sa daliri niya," sabi nito na halatang inaalala ang nangyari kagabi. "Kaya hindi talaga ako makapaniwala na may lalabas mula sa palad niya."

"Hindi kaya imagination lang yung nakita nating singsing na lumabas sa palad ni Elaine noong gabi na iyon?" tanong ko. "Eh nakita naman natin siguro lahat na walang singsing na suot non si Elaine o kahit na hawak sa palad niya."

Couple ring? Paano nila nasabing couple ring yung singsing na nalaglag kay Elaine mula sa palad niya at ang singsing na nasa wallet nito?

Kami ang humawak kay Elaine noong mga oras na hindi pa namin siya natatalian.

Wala akong nakitang singsing mula sa kaniya at kahit naman si Denver sinabi iyon.

At saka, kung mayroon man edi sana kinuha na namin iyon sa kaniya noong sinasabi ni Esther ang tungkol sa singsing.

Sigurado ako roon. Wala akong nakitang singsing sa kaniya.

Kaya paanong lalabas iyon sa palad niya?

Pero- bakit nga ba pinipilit ko ang sarili kong paniwalain na imagination lang ang lahat ng iyon? Kung narinig ko naman ang ingay ng pagbagsak ng singsing sa sahig at ang kaluskos ng kamay na kumuha sa singsing na iyon.

"Imagination? Illusion?" tanong ni Vincent. "Pati rin ba yung kamay na lumabas sa ilalim ng kama? Hindi ko lang alam kung bakit ah? Pero hindi ata ako naniniwalang kathang-isip iyon."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon