Herbilim : Chapter 18

21 1 0
                                    

Mica's pov

"Tapos ayon, hindi rin naman ako nakatulog nung pag-uwi ko ng bahay," sabi ni Keli habang nakatingin kay Elaine. "Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari."

"Kahit naman siguro sino," sabi ko at inilagay ang kamay ko sa likod niya.

Sino nga bang makakalimot kagaad sa mga nangyari? Halos ilang oras pa lang naman ang lumilipas.

Lahat nabigla. Hindi makapaniwala na ganoon na lang ang kalalabasan na may mawawala.

Pero, paaano kaya kung sinunod ni Henvy ang gusto kong mangyari? Paano kaya kung naka-focus lang siya kay Elaine? Maaari kayang maligtas pa si Elaine? Maaari kayang buhay pa siya ngayon?

At..

Paano kaya kung hindi kami pumunta noong gabi na iyon madadamay kaya kami sa mga nangyayari na ito ngayon? Siguro, hindi. Malamang hindi. Pati nga sa nangyari sa Arthor Tower nadamay kami. Paano nga ba nagkasabay ang dalawang pangyayari? May krimen na pa lang nagaganap noon sa itaas na palapag kung na saan kami hindi man lang namin alam.

Pero, ang isa sa pinaka gumugulo sa isip ko.. ay ang bakit kaya mas pinili ni Esther na pumunta sa unit nila Jas at hindi sa unit nila Henvy kung saan nila unang naglaro? Alam kaya ni Esther na walang tao sa loob ng unit ni Henvy? Pero, bakit sa dinami-daming pintuan sa palapag doon sa unit pa nila Jas? Naramdaman kaya ni Esther na binabalak ng mga lalaki na maglaro ng demonic game kaya mas pinili niya roon?

Pero, kung iisiping mabuti, wala naman siyang mapapala sa amin. Hindi namin siya matutulungan. Dapat nga kila Henvy lang siya nagparamdaman kasi sila ang nag-umpisa nito at wala kaming kinalaman. Sila Henvy rin dapat ang tumulong kay Esther sa kung ano man ang gusto niya para matapos iyon.

Kaya bakit sa unit nila Jas? Bakit doon siya pumunta?

"Keli.." Tawag ko. "Tanda mo yung kagabi? Noong tumawag ka sa baba para i-report na may nagbukas ng pinto?"

"Oo," sagot niya. "Bakit?" Tanong niya pabalik.

"Natatandaan ko non sinabi sayo na may gulo raw na nangyayari sa labas at huwag daw tayong lalabas 'di ba?"

Tumango siya. "Oo. Hindi nga nila ako pinatapos non sa pagsasalita tapos yung mga boses nila halatang mga natataranta."

"Bakit kaya hindi man lang nila sinabi sa atin na may krimen na pa lang nangyayari sa 13th floor?" tanong ko. "Eh sinabi sa balita na pinalabas nila lahat ng mga tao sa Arthor kasi iniisip nila ang kalagayan ng mga ito kaya bakit tayo, hindi?"

"Baka nakalimutan lang tayo?" sabi niya. "Kasi naman nakabukas na yung pintuan ng unit natin baka kaya akala nila nakalabas na rin tayo."

"Siguro ng mga oras na tumawag si Keli hindi na nila sinabi rito na may nagaganap na krimen sa itaas na palapag natin," singit ni Zia na iniisip ang nangyari. "Kasi kapag sinabi pa nila iyon sa atin baka lalo tayong mataranta ng mga oras na iyon. Kaya siguro sinabi niya kay Keli na wag tayong lalabas sa unit."

May point din ang sinabi nilang dalawa.

Siguro masyado lang malikot ang isip ko kaya maraming tanong ang gumugulo ngayon sa akin.

Ang sinabi kay Keli ng nakausap niya maaaring maging evidence namin na wala kaming kinalaman sa nangyari- maaari nga iyon.

Pero- "Nalaman mo ba kung sino yung kausap mo noong gabi na iyon Keli?" tanong ko. "Maaari dumagdag sa evidence natin iyon para mapatunayan na wala tayong kinalaman. Tutal ang sabi naman sa atin wag tayong lalabas kasi nagkakagulo."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon