Herbilim : Chapter 3

97 9 17
                                    

Jastin's pov

Pitong talampakan at siyam na pulgada ang layo ko sa isang board na nakadikit sa dingding.

May apat na kulay ito. Itim, pula, berde at puti.

Habang nasa kanan na kamay ko ang dart arrow.

Ilang arrow ang aking binabato rito pero hindi ko matamaan ang gitna kung nasaan ang inner bullseye.

Halos nasa kalahating oras na rin ang dumadaan simula nang umalis ako sa office ni mommy.

Hindi parin ako makapaniwala sa plano nila.

Muli kong ibinato ang arrow sa dart board.

"Konti na lang," sabi ko na para bang may kausap.

Paano naaatim ng mga kadugo ko ang bagay na iyon?

"Hindi mo na kailangan malaman iyon. May mga bagay na dapat nasa limit lang kaya wag ka ng masyadong matanong."

"Limitado? Bakit ano naman ang plano ni Lolo? Magpapautos na naman kapalit ang pera? Parang wala na kayong pinagkaiba sa gumagawa nito—"

"—Wilson University! Business ang pinag-uusapan dito. Kayang gawin lahat ng owner ang mga bagay na hindi makatao para lang hindi mawala ang pinaghirapan nila."

"Paano kung may nakakita pala? Paano kung may magsumbong? Sure na ba kay—"

"Kapag may pera ka.. madali mong mapapatahimik ang lahat."

"Paano kung biglang nagpakita si Yuan? At sabihin nito kung ano talaga ang nangyari sa kaniya? Na sa unibersidad pala talaga ang masisisi ang lahat-"

"Ilang beses ko bang sasabihin na sandali lang iyon para sa lolo?"

Mariin kong pinikit ang mata ko.

Naaalala ko na naman ang mga napag-usapan namin kanina lang.

Bakit ganoon na lang kadali sa kanila ang magdesisyon?

Pagdating ba talaga sa negosyo gagawin ang lahat para lang hindi mawala ito?

Nagpakawala ako ng buntong hininga at inihakbang ang mga paa papunta sa isang maliit na lamesa malapit sa bintana ng kuwarto ko.

Inilapag ko ang dart arrow na hawak ng makarating doon at hinawakan ang folder na nakuha ko kanina sa office niya.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang lakas ng loob para gawin ito.

Kanina kasi habang nag-uusap kami palihim kong kinuha ang folder na nakita kong binabasa niya. Ito yung folder na hindi niya pinakita sa akin kanina.

Siguro hindi lang talaga ganoon kalakas ang loob ko o baka sadyang nakakuha lang ako ng pagkakataon ng pinatawag na naman siya sa eskwelahan. Emergency raw.

At nakakapagtakang ipatawag siya sa ganitong oras. Ano na naman kaya ang nangyari?

Lumakad ako papunta sa kama at inilapag ko ang folder doon. Kinuha ko ang towel na nakapatong sa balikat ko at nagpunas ng pawis bago umupo.

Hindi ito oras para isipin kung ano ang dahilan kung bakit pinatawag muli si mommy sa Wilson.

Muli kong kinuha ang folder at tinignan ito.

Mukhang mahaba-habang pagbabasa ito.

Bakit kaya hindi niya ito pinakita sa akin? Ano kaya ang mayroon? O baka hindi lang talaga ganoon ka-importante ito?

Bubuksan ko pa lang sana ng may biglang kumatok kaya mabilis ko itong tinakpan nang kumot na nasa tabi ko.

"Sino iyan?" tanong ko.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon