Herbilim : Chapter 11

283 112 123
                                    

Mica's pov


"Tama naman ako 'di ba?" ulit na tanong ko sa kaniya. "Alam ko na hindi lang iyon ang gusto mo."


Nakikita naman talaga sa mata niya habang inilalabas ang mga gamit na kailangan para sa ouija.


Ningitian niya ako. "Gaano ka kasigurado?" tanong niya sa akin. "Hindi mo naman nababasa ang nasa isip ko."


Hindi naman ako maglalakas ng loob kung hindi ako sigurado rito.


Kaligtasan lang namin ang inaalala ko.


Nakita ng dalawang mata ko kung ano si Elaine ngayon at kung paano nito saktan ang sarili. Ayokong isa sa amin ang magkaganoon.


Kahit na medyo ok na si Elaine ngayon dahil panandaliang umalis si Esther sa katawan niya.


"Hindi nga," mabilis na sagot ko sa kanya. "Pero nararamdaman ko." Tinignan ko sila bawat isa. "Sigurado ba kayo dyan?" tanong ko. "Baka kasi maligaw si Henvy sa gusto niyang itanong at mapahamak tayo."


Baka kasi imbes na tanungin ni Henvy kung ano pa ang paraan para mailigtas ang kaluluwa ni Elaine hindi niya magawa.


Kaluluwa— iyon kasi ang tingin ko ngayon na kailangan naming iligtas. Maraming sugat si Elaine sa katawan, binali na rin niya ang mga buto niya at halos puro dugo na rin ang bumabalot sa katawan ni Elaine ngayon.


"Sabihin na nating gusto ko rin malaman ang tungkol sa Herbilim—"


"Tama nga ang hinala ko."


Alam kong kapag dumating na ang pari at matapos ang araw na ito baka mawala na si Elaine. Ayoko lang sabihin sa kanila ng diretso baka kasi masaktan lang ang dalawa sa katotohanan.


"Sino nga bang hindi magiging interisado sa ganoon?" Pagpapatuloy niya. "Pati ang pag-aalay sa kanya. Hindi ka ba interisado?"


"Hindi naman sa ganoon," sagot ko rito. "Ang pinupunto ko rito bukod sa baka hindi natin mapaalis o mabawi si Elaine ay ikakapahamak rin natin itong nasa isip mo."


"Hindi tayo mapapahamak." Paninindigan niya. "Sigurado ako doon. Sa tagal na naming ginagawa ito alam na namin kung ano ang gagawin."


Bahagya akong natawa. "Alam yung gagawin? Kaya pala nagkaganyan si Elaine." Agad akong kinalabit ni Jas sa likod matapos kong sabihin iyon pero tinignan ko lang siya.


Wala akong pakialam ngayon kung magalit man sila sa akin. Totoo naman ang sinabi ko. Kung napahamak si Elaine baka kami rin kapag ginawa ito.


Alam kong hati ang atensyon ni Henvy ngayon. Pero mas ramdam kong mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang alamin kung paano inalay at kung saan ang lugar.


Tumawa si Henvy at umiling. "Hindi namin ginusto na magkaganyan si Elaine." Sumeryoso siyang bigla. "Hindi mo ba narinig kanina sa sinabi ko? Inaagapan na namin ni Carl yung mangyayari at balak ng tapusin ng kami lang dalawa kaya lang ganito bigla ang nangyari."


"Hindi niyo kasi inalam kay Elaine kung ano ang nangyayari sa kanya." Inilipat ko ang tingin kay Carl bago ibalik ulit kay Henvy. "Naging kampante kasi kayo. Kung may nangyari na sa inyong kakaiba dapat tinanong niyo na agad si Elaine kung mayroon ba sa kanya. Imposible kasing hindi mangyayari rin sa kanya iyon."

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon