Herbilim : Chapter 2

108 12 33
                                    

Jastin's pov

Saktong alasingko ng hapon naka-apak ang aking dalawang paa sa pintuan ng bahay.

After they announced that we needed to go home. The students suddenly got into a commotion.

It seems that the school is even more chaotic because of them.

Nagkaroon ng stranded sa dalawang gate ng Wilson.

May mga nagtulakan at nagkaroon ng sakitan.

Buti na lang yung mga nasaktan hindi ganoon kalala.

"Welcome home, Sir Jastin".

Tinignan ko ang tatlong maid na bumati sa akin. "Naka-uwi na ba sila?" tanong ko.

"Nasa office na po niya si Ma'am Josephine at si Sir Darren po wala pa. Kasama niya po pa rin niya ang lolo niyo sir."

I nodded to her in response and walked to a room near the stairs.

Kaya lang pahawak pa lang sana ako sa doorknob ng may biglang humarang sa gilid ko at inawat ako.

Taka ko naman siyang tinignan. "Bakit?" tanong ko rito.

"Sir ang sabi po ni ma'am wag daw po siyang iistorbohin. Kundi mapapatanggal daw kami ng—"

"May itatanong ako," sabi ko rito ng hindi pinatapos ang sinasabi niya at hinawakan na ng tuluyan ang pintuan.

I quickly closed it when I entered.

Kaagad ko naman nakita ang isang babaeng nakaupo sa harap ng isang lamesa. Busy itong nakaharap sa papel habang ang ballpen naman niya ay nakaturo sa kaniyang pisngi.

"What do you want?" tanong nito ng hindi tumitingin sa akin. "Hindi ba nila sinabi na ayoko munang magpa-istorbo?"

I ignored her question at umupo na lang. Pumapagitan sa aming dalawa ngayon ay ang lamesa.

"I just want to know kung ano na ang balita sa Wilson," sabi ko rito at inilapag ang bag sa sahig. "At saka nalaman niyo na ba kung ano ang dahilan ng mga ito?"

Bigla siyang huminto sa kaniyang ginagawa at inilipat ang tingin sa akin. "If I told you, do you think you could help?" tanong nito sa akin na dahilan ng pagtigil ko.

Bigla akong natahimik at hindi nakasagot sa tanong niya.

Oo nga naman.

Kung sasabihin nga ba niya sa akin may maitutulong nga ba ako? Ano nga bang maitutulong ko?

Ano nga bang maitutulong ng isang estudyanteng katulad ko? Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung paano o kung saan magsisimula.

"I know you're just worried. But, we can handle this. Don't worry." Ibinalik niya ang kaniyang mata sa laptop at muling nagsulat sa papel.

"Alam ko naman na nasa isip niyo gusto ko lang makialam at hindi makakatulong." Ipinatong ko ang braso ko sa lamesa. "But, I hope you give me an idea of ​​what is happening around me."

Kilala ko na si mommy ng sobra. Alam kong konting pilit lang sa kaniya at pagbibigyan niya ako.

Siguradong may malalaman ako at may makukuhang impormasyon dito.

Alam kong hindi niya ako matitiis kapag ako na ang nagtanong. Kahit ano pang napaka-importanteng impormasyon iyon alam kong sasabihin niya sa akin ito.

Konting kulit ko lang dito at siguradong may ipapakita ito sa akin.

At kapag sana may nalaman ako.. sana makaisip ako ng paraan para makatulong.

HerbilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon