Thirty One

1.2K 57 8
                                    


Ilang araw na ang lumipas simula nang umalis si Rhegitt sa Pilipinas, pati na din si Joy sa San Mariano.

Pinilit nang tatlong dalaga na maging matibay. Sa gitna ng mga nangyari, naging masaya naman sila sa pag-aaral. Sinusulit nila ang huling taon nila sa kolehiyo.

Nag resign na din sila sa coffee shop na pagmamay-ari ng dating kasintahan ni Jai.

Iniisip niya pa lang pumasok doon ulit, mga alaala kung saan sila unang nagkakilala ni Rhegitt ay bumabalik.

It was painful for her, somehow her friends made the pain bearable.

"Jai." Napatingala ang dalaga mula sa librong binabasa at nakita ang kababata.

"Steph, ang tagal nating hindi nagkita ah?" Napangiti ang dalaga, hindi pa siya nakapagpasalamat sa pagsama ng binata sa pagsunod kay Rhegitt sa hideout nila Saminto.

"I need to talk to you." Seryoso lang ang binata, napansin naman ni Jai mukhang problemado ang binata kaya sinara niya ang libro.

Nasa concrete table siya nakatambay, at hinihintay ang dalawang kaibigan na bumili ng snacks.

"Maupo ka." Sabi ni Jai sa binata. Walang imik naman ang huli na naupo sa kabilang concrete na mahabang upuan.

"Anong pag-uusapan natin?" Anxious din si Jai, dahil sa seryosong mukha na pinapakita ng binata. Noong mga nakaraang araw lang ay parati itong nag bibiro, pero ngayon ay parang nangayayat ang binata. Ngayon lang din napansin ni Jai na halata ang puyat sa mga mata ng kababata.

"Jai, patawarin mo ako." Napahawak si Steph sa kamay ni Jai na nakapatong sa libro. Naguluhan ang dalaga.

"Anong pinagsasabi mo Steph?"

"They probably did something to you, kaya hindi mo naaalala. Pero gusto kong humingi ng tawad. Napag utusan lang ako. Kailangan ko kasi ng pera." Naiiyak na ang binata, agad naman siyang dinaluhan ni Jai.

"Hindi ko maintindihan Steph." Sabi ni Jai habang hinahaplos ang likod ni Steph.

"Tanungin mo ang mga tao ni Rhegitt Strife. Alam kong may alam sila, umalis na siya diba?"

"T-teka! Kilala mo si Rhegitt?!" Gulat na tanong ni Jai, sakto namang dumating na si Kim at Robie at nasaksihan ang pangyayari.

"Anong nangyari?" Tanong ni Robie at napaangat ng tingin si Jai sa dalawa, na kagaya niya ay naguguluhan din.

"Alam kong sasabihin nila ang totoo, dahil alam kong takot sila sa'yo. Just ask them Jai. But please, forgive me." Lumuhod si Steph sa harap ng dalaga, at ang huli ay hindi naka imik.

"T-tahan na Steph. Kakausapin nalang kita kapag nalaman ko na ang sagot sa mga tanong ko." Ang tanging nasabi ni Jai. Napatayo si Steph at tumango.

"Tawagan mo nalang ako, nasayo naman ang numero ko." Sagot ni Steph at tango lang ang naging sagot ni Jai. Walang imik naman na umalis si Steph sa kinaroroonan nila.

"Anong nangyari 'dun?" Tanong ni Kim.

"Ewan ko, naguguluhan din ako. Ang sabi niya ay tanungin ko daw ang mga tauhan ni Ghitt." Sabi ni Jai at napatingin sa dalawa. Nagugulo na ang isipan ni Jai dahil sa nangyayari. Idagdag pa ang pagkasawi niya dahil sa pag-iwan ni Rhegitt sa kanya.

Lalo niya tuloy namimiss si Rhegitt.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kim sa kanya.

"Oo naman." Sagot ni Jai at nagpatuloy ito sa pagbabasa ng libro.

Nag-aalala man ang dalawang kaibigan, hindi na lang sila umimik.

Kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong ko. Deklara ni Jai sa sarili.

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon