Jai's POV
Isang lumang bubong ang sumalubong sa'kin pag gising ko. Hindi ko mawari kung nasaan ako. Mabibigat ang mga talukap ng aking mga mata. Hinang hina ang katawan ko.
"Matulog ka muna." Ang huling narinig ko, bago ako kinain ng dilim.
"Jai?"
Napadilat ako ng mata sa narinig. Nakita ko si Joy na mataman akong tiningnan. Parang nag-aalala ito, she also looked relieved. Napabangon ako. Inalalayan niya naman ako ng dahan dahan.
"Ito tubig." Inabot niya sa'kin ang isang basong may laman ng tubig. Buhat sa sinabi ay bigla akong nauhaw at ininom kaagad ang tubig.
"Anong nangyari? Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Anong huling naalala mo?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko.
"It's not right to answer a question with a question." Sabi ko. Napangiti naman siya. Mukhang walang balak sumagot.
Kaya ako nalang ang nagsalita. "Ang huli kong naalala ay lumabas kami ni Steph, tapos hinatid niya ako sa bahay. Then, nakita ko si Rhegitt– teka nasaan pala siya?"
Nag-aalala ako sa huling tagpo namin. We didn't see each other for a while at ganong set up pa kami nagkita.
Hindi pa nga kami nagka usap ulit.
"Sinundan namin siya, kasi gusto kong magpaliwanag sa nakita niya." Nakakunot noo na tiningnan ako ni Joy.
"Ano bang nangyari?" Tanong niya.
"Hindi ko namalayan na nasa bahay pala siya. Tapos nakita niya kami ni Steph sa labas ng gate, na nag-uusap." Sagot ko.
Tumango naman ito. "Nahimatay ka Jai, pagdating mo sa hideout." Sagot nito.
"Nasaan si Rhegitt? Gusto ko siyang makita." Malungkot na tiningnan ako ni Joy.
"She's g-gone. She left without a trace Jai." Sagot nito.
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig.
"H-hindi ka naman nagbibiro diba?"
Hindi siya kumibo. "No! Kailangan ko siyang makita! Gusto kong magpaliwanag. Samahan mo 'ko sa bahay niya."
"Sorry Jai, pero tinawagan ako ni Atty. Rey saying Rhegitt's house was empty when he got a call from her."
Nanlumo ako. "G-ganon nalang ba 'yun? Paano 'yung business niya? Paano k-kami? Did she left just because about what she saw? Hindi niya ba ako hahayaang magpaliwanag?" Naluluhang sambit ko sa kaibigan.
Hindi naman kumibo si Joy. Niyakap niya lang ako at doon na ako napahagulhol.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Konting panahon lang kami nagkasama. Pero bakit parang ang laking espasyo naman ang nawala sa'kin?
Why is it being with someone in such a short period of time, hurts more when they leave?
Ang sakit!
Why did she just leave just like that? Hindi ba sapat ang pagka gusto niya sa'kin para iwan lang ako ng ganon kadali?
Napaisip naman ako.
Oo nga pala, gusto niya lang ako. Hindi pa kalalim ang nararamdaman niya para sa'kin upang hayaan akong magpaliwanag.
"Tahan na Jai." Joy soothed me with her calming voice.
"May kulang ba sa'kin? May mali ba akong nagawa? Mali bang makipag-usap sa kaibigan?" Tanong ko habang naiiyak pa rin.
"Walang kulang sa'yo Jai." Sabi ni Joy at napalayo sa'kin.
"I don't have any answer to your questions right now. But, let us see what the universe will conspire for the both of you."
BINABASA MO ANG
Finding Rhegitt Strife
Dla nastolatkówDaughter of one of the most richest man in the world went missing. Was she kidnapped? Or is she hiding? Read and find out. English-Tagalog Highest Ranks in Tags: #1 in English-Tagalog tags #5 in GxG
