Twenty Two

1.6K 71 6
                                    

Jai's POV

"Haba ng hair ni ate gurl! Anong shampoo mo?" Humagalpak naman ng tawa sina Kim at Robie.

Tapos na pala ang three day outing namin. Days had passed since then, grabe sobrang na enjoy namin ang outing. Lalo na 'nung binalita ni Tatay na hindi na siya muling aalis pa ng ibang bansa. Sabi niya tinulungan daw siya ni Atty. Rey but I know it was because of Rhegitt. Speaking of her, I can't believe na girlfriend ko na ang babaeng 'yun.

"Ayon, daydreaming again." Tukso ni Robie na ikinairap ko sakanya.
Nasa school kami ngayon, hinihintay namin si Joy. May naiwan daw siya sa classroom namin. Kaya nandito kami sa bench malapit sa department building namin.

"Mga siraulo." Komento ko at napatawa naman ang dalawa.

"Kung nandito lang si Joy, tiyak pagti-tripan ka din niya."

"Ano ba kasi naiwan niya?"

"Puso?"

"Anong connect?"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa walang kwentang pag-uusap ng dalawa. Napalingon ako sa likod at nakita si Joy na naglalakad patungo sa amin.

"Andito na pala eh." Sabi ko.

"Ano bang naiwan mo Joy?"

Tiningnan niya kami isa isa, tahimik at seryoso ang mood niya ngayon. May bumabagabag ba sa kanya?

"Naiwan ni Jai ang buhok niya sa classroom. Kaya dinala ko na. Baka may makaapak at magustuhan pa siya, edi lagot tayo kay Rhegitt niyan." Umakto pa si Joy na binaba niya ang buhok ko kuno.

Napahagikhik ulit ang tatlo, napairap nalang ako. "See? Ibang klase din ang trip ng isang 'to." Sabi ni Kim.

"Tara na nga." Sabi ko nalang at naunang maglakad sa kanilang tatlo.

"Hoy napaka excited mo namang makita girlfriend mo!" Sigaw ni Robie at napatingin tuloy sa akin ang ibang estudyante dito.

"Tumahimik kayo! May trabaho pa tayo." Nakita ko lang nakangisi ang tatlo. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang narating namin ang gate.

Mag pinagkakaguluhan yata sa labas dahil may nakita kaming nagkukumpulan na mga estudyante.

Anong meron?

Nilagpasan nalang namin ang kumpulan na 'yun.
"Jai Mendez!"

Napahinto kaming apat sa paglalakad at napalingon sa parteng may nagkukumpulan.

"Uy Jai, sino 'yun?" Tanong ko.

"Ikaw ang tinawag ate gurl!" Sabi ni Joy na natatawa.

Humawi naman ang nagkukumpulang mga estudyante at nakatingin sa direksyon namin. Malakas naman na napasinghap ang mga kasama ko sa nakita. Ang mga OA talaga!

"Pabili na din kami ng shampoo mo Jai!" Tili ni Robie at niyuyugyog pa ako. Makakasapak talaga ako ng kaibigan ngayon.

"Hi." This beautiful lady said when she walked towards me. May dala siyang bouquet of flowers at inabot ito sa'kin. Ang ganda. 

"Ghitt." Her smile widened and kissed me on the cheeks.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I came to drive you girls to the coffee shop." Sagot niya.

"Aguy! Umasa si ateng." Kunwaring umarte naman si Kim na parang nasaksak ang puso niya. Baliw talaga!

"And of course, to see you." She gave me a sheepish smile and I think uminit ang pisngi ko dahil sa pamumula.

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon