Forty Six

1.7K 79 14
                                        

Jai's POV

Nagtitili ang mga bruha nang makita nila ang singsing na suot ko, lalo na noong nakita 'yun ni Akira at kinumpirma na kay Rhegitt ang singsing na suot ko.

"Oh my God! Congratulations Jai!" Sabi ni Kim at niyakap ako.

Maluha luha namang napayakap din sa amin si Robie.

"Ikaw talaga mauuna sa atin?" Komento niya dahilan para mapatawa ako.

Dinamba naman kami ng yakap ni Akira dahilan para matumba kami sa sofa.

"Congratulations Jai! Future Mrs. Strife!" Sabi ni Akira habang nakapatong pa siya sa amin.

"Hoy umalis ka na nga! Ang bigat mo girl!" Saway ni Robie sa kanya. Napabangon si Akira habang nakalabi pa.

"Hindi kami si Loretta para maakit d'yan sa labi mo." Sabi pa ni Kim na ikinalingon ko kay Akira.

Ibig sabihin?

"Hey, hey, hey! Bakit nadawit na naman ang pangalan niya?"

"Ha! Takpan mo kasi ng concealer girl. Anong silbi ng make ups mo ha?" Turo ni Robie sa may leeg ni Akira. Napatingin naman ako doon at oo nga!

May hickey!

Mabilis naman na tinakpan ni Akira ang leeg niya.

"Ikaw ha!" Tinukso namin siya ng tinukso.

"Tahimik!" Sabi pa niya pero hindi namin siya inurungan at kinulit na mag kwento.

"Pwede ba?! Let's not talk about it." Namumulang awat niya sa amin.

"Oh my gosh! She's blushing! Intense siguro nang nangyari sa kanila."

Natawa kami sa naging turan ni Kim. Kahit kailan talaga.

"May chemistry talaga. In denial din kasi siya eh." Sabi ni Robie at natawa ulit kami ng inirapan kami.

"Mukhang masarap nga talaga ang tahong." Hagikhik na komento ni Kim.

"Kim!" Saway naming tatlo sa kanya. Pasmado talaga bibig niya eh.

"Nasaan pala ang magiging kabiyak mo?"

"Kabiyak? Grabe ah." Natawa ako sa tanong ni Robie.

"She's in some meeting right now, sa kompanya nila."

Tumango silang tatlo.

Namimis ko na din si Ghitt kahit magkasama lang kami kahapon sa buong magdamag. Umuwi din ako dito kina Akira para malaman nila ang balita.

Susunduin niya din naman ako mamaya para pormal nang maipalam sa kanyang pamilya ang tungkol sa amin.

"Tawagan ko muna sila Tatay." Paalam ko sa kanila at iniwan sila sa living room ng mansion. Mabilis akong nagtungo sa kwartong inookupa ko dito sa mansion nila Akira.

Excited din akong masubukan si Wednesday. Kasi noong nakaraan, si Rhegitt lang ang tumatawag sa'kin.

"Wednesday, can you call Alfred Mendez?"

"Certainly, Lady Jai."

Sweet!

Mabilis na nag vibrate ang phone ko. Tinungo ko ito. Nakapatong ito sa side table katabi ng kama. Hindi ko naman 'yun nagagamit dahil wala din itong signal na nakakonekta sa Pilipinas, except sa WiFi nila Akira.

"I have connected the call to Alfred Mendez, Lady Jai. Would you like to have a video call? If yes, you can use your mobile phone."

"I'd love to."

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon