Three

3.4K 113 6
                                    


Kinabukasan, maaga natapos ang klase ng magkakaibigan. Tumungo agad sila sa coffee shop na pinag tatrabahoan.

Buti nalang at maaga sila, kung hindi kawawa ulit si Marie kung nagkataong marami na ang customers pagdating nila.

"Andito na pala kayo." Bungad agad ni Marie, "Welcome to Royale Crown coffee shop." pahabol niya pa at nag bow ng slight.

"Anong pakulo yan?" Natatawang tanong ni Robie. "Pang royal eh, edi may bow effect." Sagot ni Marie na tumatawa.

"Anong gagawin namin? Same lang ba kahapon?" Tanong ni Kim. "Oo, pero konting changes lang naman. Si Jai at Robie ang magiging waitress, ikaw ay dito sa counter magiging barista ka at si Joy ang kasama ni chef doon sa likod." Sagot ni Marie.

"Barista? Hindi ako marunong nun." Sabi ni Kim. "Wag kang mag alala, tuturuan kita."

Tumango si Kim. "Wala akong alam sa pagluluto ate Mars. Sa pagiging barista eh may talent naman  ako ng konti dyan." Sabi ni Joy na nahihiya.

"Ah ganun ba?"

Lumabas naman ang isang babae na ubod ng ganda. Maputi ito at matangos ang ilong. Mataas ang buhok na may pagka wavy.

"Chef, mga bago natong kasama. Sina Jai, Robie, Kim at Joy." Pakilala ni Marie.

"Hi guys, it's nice to meet you. My name is Casey you can call me chef Cass." Pakilala ni Casey.

"Same here po chef Cass." Sabi nilang apat na sabay sabay. Para namang nakatulala si Kim sa magandang chef at walang malay na sinabi ang mga katagang. . .

"Pwedeng dun nalang ako sa kusina?"

Tumawa naman si Casey at tumango. "Sure, magaling ka bang mag luto?"

Nagpantig ang tenga ni Kim sa tanong. "Syempre naman chef Cass." Ngiting sagot ni Kim.

"Alright, hope you can keep up with me." Sabay kindat ng chef. Namula naman si Kim at sumunod kay Casey.

"Oh settled na tayo. Mukhang nag desisyon agad si Kim eh." Tumawa naman ang tatlo sa sinabi ni Marie.

At nag simula na silang mag trabaho. Pagkatapos ng ilang minuto dinagsa na ang coffee shop ng mga customers.

Todo serve naman ang dalawa at tumulong na din si Marie, total may basic knowledge naman si Joy tungkol sa pag babarista.

6:00 pm na nung nabawasan ang customers, medyo marami pa din.

"Jai may bagong customer, table 10." Sabi ni Joy at medyo hindi na siya abala. Tiningnan naman ito ni Jai at tumungo sa table 10. Nakatalikod kasi ang customer at hindi mawari ni Jai kung babae ito o lalaki.

"Good evening Sir, may I take your order?" Todo smile na tanong ng dalaga, nang tumingala ang customer natigilan si Jai.

Maputi ito, matangos ang ilong at mapupulang labi. Pero hindi 'dun nakatutok si Jai kundi sa mga mata nito. Baby blue ang color ng mga mata ng estranghero.

"Ehem." Tumikhim ang estranghero at napangisi. "Done checking me out?" Tanong nito at tila naman natauhan si Jai sa boses nito.

Napakurap pa si Jai ng ilang ulit at napagtantong babae pala ang customer. Naka cap kasi ito at nakatago ang buhok.

"Sorry Ma'am, my bad. I-I thought you were-"

"A guy? Yeah, I get that a lot." Sabat nang customer. "I'll get one frappe and a slice of chocolate cake please."

Sinulat naman ito agad ni Jai sa maliit nitong note. "I'll get your order right away ma'am." Hindi na nag salita ang customer at umalis na din si Jai para kuhanin ang order nito.

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon