Jai's POV
"Congratulations on your graduation day, Miss Jai!" Atty. Rey said and shake my hands.
Napangiti ako. After four years of studying, finally naka graduate na din ako.
'Yung feeling na lahat ng paghihirap, kulang sa tulog, at mga sakripisyo mo sa school ay natapos na din. Sa wakas, makakabawi na ako sa pamilya ko.
"Girls! Picture!" Sigaw ni Ate Marie sa aming tatlo. Ako, si Robie, at si Kim. Nasa labas kami ng coffeeshop. Dito kasi napagisipan nila Atty. Rey at Tatay na ipagdiwang ang masayang araw na 'to.
Wala na akong nagawa at pumayag nalang.
We took a photo kasama ang sign ng coffeeshop. This place is a great part of my success.
Kasama na din namin ang ibang employees na magpa picture, syempre pamilya ko at sila Alden at ang gang members nito. Ah hindi na pala sila gangsters. Ang sabi nila sa akin ay isang ordinaryong grupo nalang sila ng mga magbabakarda.
They probably turned the gang as a club, and the hideout as their club room.
Marami akong congratulations na natanggap ngayong araw. Nag text pa nga si Joy kanina sa akin, at nakipag video call sa amin. Ang gara siguro ng probinsya nila Joy dahil ang lakas ng signal.
We were happy that she called. Ilang buwan din namin siyang hindi nakita, at nakausap. Nagpa picture din kami sa kanya, kahit sa screen ng cellphone lang siya nakikita.
Now that graduation is done, another goal of mine has yet to be done. And I'll achieve it with everything I've got.
I hope you could see me now Rhegitt. Just you wait. I'll come for you.
* * * * *
One year later...
Napabuntong hininga ako dahil sa mga products na kailangan naming bilhin para sa coffee shop. We established a fourth branch na kasi, so hindi nalang sa San Mariano ang pinagkakaabalahan ko.
"Boss, h'wag kang ma stressed d'yan. Ibibigay ko nalang 'yan sa ibang branch managers." Biglang sabi ni Ate Marie.
Kakapasok niya lang sa office dito sa main branch.
"Ayos lang, I just need to review it para wala na tayong makaligtaan."
"Kinakabahan ka lang eh."
Napatingin ako sa kanya.
"Halata ba?"
Tumango naman siya. Napasandal namana ko sa upuan at binitawan ang folder.
"Nahanap mo na ang tinitirhan niya. You should go to L.A. already."
Napabuntong hininga naman ako. It's true that alam ko na kung saan ang bahay ni Rhegitt sa L.A.
I've been tracing her din kasi. Sa mga balita at internet websites nila. She's been in and out of the country for the past year. At hindi ko alam kung maabutan ko siya sa L.A.
"You've done well, nakabawi ka na sa pamilya mo. Napalago mo ang negosyo ni Rhegitt dito. You should go after her already."
I groaned and stared at the ceiling.
A knock from the door make me looked at Ate Marie. She opened it and it revealed Justin. Isang empleyado dito coffee shop.
"Miss Jai, may bisita po kayo."
"Papasukin mo." Kinuha ko ulit ang folder t inayos inilagay ito sa stack of folders na na-ireview ko na.
I wonder who. Siguro sila Kim at Robie lang 'yan.
BINABASA MO ANG
Finding Rhegitt Strife
Teen FictionDaughter of one of the most richest man in the world went missing. Was she kidnapped? Or is she hiding? Read and find out. English-Tagalog Highest Ranks in Tags: #1 in English-Tagalog tags #5 in GxG
