Jai's POV
Hindi ako makapaniwala sa surprise na ginawa ni Rhegitt. It really means a lot to me at sa pamilya ko.
Masayang nagkukuwentuhan sila Tatay at Nanay, pati na rin ang mga kapatid ko. Habang 'yung iba naman nagkakasiyahan na. Well, mostly ang girls lang.
Umiinom lang din naman sila Saminto at barkada niya.
Hinanap ng aking mata si Ghitt, pero wala siya dito sa loob ng tent. Wala din ang kapatid nito at si attorney, pati na rin si Harold.
"Nak, sobrang laking biyaya ng kaibigan ninyo." Sabi ni Tatay na ikinalingon ko sa kaniya. Ngumiti nalang ako.
"Oo nga Alfred. Masyadong matulungin ang batang 'yun." Komento naman ni Nanay.
"Sobrang bait pa niya Tay, feeling ko nga may gusto siya kay Ate eh." Sabi ni Aya, muntik ko nang masapo ang noo ko.
Natawa naman si Jason. Sinaaman ko nalang ito ng tingin.
"Nanliligaw ba siya sa'yo anak?" Tanong ni Nanay.
"Ah eh..." Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi pa naman nanliligaw si Ghitt, hindi ko din alam ang kung ano din kami.
Pero ilang beses nang naghalikan? Ganun?
Shush mind! H'wag kang magulo.
"Wala naman kaso sa akin 'yun anak. Ang sa akin lang kahit may karelasyon ka na, dapat tapusin mo pag-aaral mo. Pati na rin ikaw Jason. Huwag niyong pabayaan ang pag-aaral ninyo."
"Opo Tay." Sabay naming sabi.
"Paano ba 'yan Ate, payag ka bang magpaligaw kat Ate Ghitt?" Asar ni Mica sa akin. Kahit ang babata pa ng mga kapatid ko, alam na alam din nila kung paano ako tuksuhin.
"Ang tanong, manliligaw kaya?" Palihim na uminom si Jason ng juice at natatawa.
"Kung hindi siya manligaw, edi si Jai ang gagawa." Sabi ni Tatay, sumang-ayon naman si Nanay.
"Alam niyo, puro kayo biro. Kumain nalang kayo." Sabi ko sa kanila at natawa naman sila sa naging reaksyon ko.
"Lalabas na muna po ako, magpapahangin." Paalam ko sa kanila.
"Kunwari ka pa, hahanapin mo lang si Rhegitt eh." Tukso ni Jason.
"Sinong Rhegitt anak?"
"Ah, 'yun po ang totoong name ni Ghitt. Rhegitt po, Rhegitt Strife."
"Strife?" Tanong ng aking ama. Bahala ka na Jason, ikaw na magpaliwanag kaya iniwan ko nalang sila sa mesa at lumabas.
Pag labas ko, nakita ko na parang mas dumami yata ang mga tao dito. Mukhang mga tauhan din ito nila Rhegitt. Pero bakit? Sa pagkakaalam ko, sampu lang ang sinama nila ni Harold. May nangyayari bang hindi namin alam?
Naglakad lakad muna ako sa dalampasigan, hindi ko naman makita sila Ghitt dito. Ewan ko kung nasaan sila, baka nandun yata sa yacht.
"Looking for me?" Nagulat ako nung may nag salita sa likod ko, hinarap ko siya at napangiti nung nakita kong malawak ang ngiti na ginawad niya sa akin.
"Ah eh."
"Come with me." Sabi nito, at kinuha ang kamay ko. Shocks! Ang lambot.
Dinala niya ako sa dulo ng isla. May nakalatag na tela doon at mga beanbag. May mga torch din dito kaya ang liwanag, may maliit na bonfire sa tabi nung telang nakalatag sa buhangin.
"Let's sit." Sabi ni Ghitt at pinaupo niya ako sa beanbag. Umupo din siya sa tabi ko.
"Ba't mo ko dinala dito?" Tanong ko, pero ang siste nakangiti lang habang nakatitig sakin at sobrang ganda niya po. Kinikilig ako sa mga titig na binibigay niya.
BINABASA MO ANG
Finding Rhegitt Strife
Teen FictionDaughter of one of the most richest man in the world went missing. Was she kidnapped? Or is she hiding? Read and find out. English-Tagalog Highest Ranks in Tags: #1 in English-Tagalog tags #5 in GxG
