Nine

2.3K 86 7
                                        

Jai's POV

Pabalang kong hinubad ang uniform ko at isinalampak sa basket ng kwarto ko. Inis na inis ako sa ginawa ng ugok na Ghitt na yun!

Pagka alis nilang dalawa ng magaling kong kapatid, tinadtad na ako ng tanong ng mga kaibigan ko. Inaasar naman ako nila Ate Marie at chef Cassy. Pulang pula ako kanina. Tama bang ipinaglandakan niyang nag halikan kami?!

At maging sa closing time na hindi ko alam kung bakit 7:00 PM ay pinauwi na kami ni ate Marie ay wala pa rin silang preno sa pang aasar sa akin. Naku! Pag nakita ko talaga ulit yung ugok na yun, lagot siya sa akin. Hindi nga ako makatingin ng diretso kay Jason dahil sa hiya. Mismo siya eh nagulat sa sinabi ni Ghitt.

Isa pa yun, kinukulit ako at tinanong kung ano mang meron saming dalawa ni spokening dollars na yun!

Arghh!!! Pabalang akong humiga sa kama at nagpapadyak sa ire dahil sa inis.

*Tok! Tok! Tok!*

Bigla namang bumukas ang pintoan ng kwarto ko, "Ate maghahapunan na!"

"Kailangang nakasigaw? Bakit parang excited ka yata?" Takang tanong ko sakanya at bumangon.

"Basta! Baba ka nalang hihihi." At iniwan niya na ulit ako. Nagbihis na ako ng pambahay at para makakain na ako ng hapunan. Sumunod na rin ako sa baba.

"Thank you for inviting me for dinner Tita." Napa hinto ako sa pagbaba sa hagdanan ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

"Naku Ghitt! Ayos lang, total kaibigan mo naman ang mga anak ko. Tsaka pasasalamat na rin dahil sa pag tulong kay Jason.

Tuluyan na akong bumaba sa hagdanan at nakita kong prenteng naka upo si Ghitt sa sofa namin. Feel at home lang ang peg?!

"Jai iha, halika't kakain na tayo." Tawag sakin ni nanay mula sa kusina.

"Good evening Jai." Bati ni Ghitt nung nadaanan ko siya. Hindi ko nalang siya pinansin dahil bad trip ako sa kanya. Tinulungan ko nalang si nanay sa kusina at para makapag hapunan na rin.

* * * * *

"Ghitt ano bang pinagkaka abalahan mo ngayon? May trabaho ka ba?" Tanong ni nanay na nagpatigil kay Jason sa pag nguya ng pag kain.

Napatingin din ako kay Ghitt. She was just calmly eating.

"Uhm, may business po ako." Nagulat ako dahil marunong pala siyang mag tagalog. Tsaka may konting pagka slang siya kung mag salita.

"Marunong ka palang mag tagalog Ghitt." Nakangiting sabi ni nanay.

"Natuto po ako." Ganti ni Ghitt.

"Ano nga pala yung business na tinutukoy mo?" Tanong ulit ni nanay.

"Nay, hayaan mo munang kumain si Ghitt." Sabat ni Jason. "Curious lang naman ako anak."

"It's fine Jason." Sagot ni Ghitt. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanya.

"Ate Ghitt, saan po pala parents niyo?"

Parang nabigla si Ghitt sa tanong ni Mica. Pero agad namang naka bawi at binigyan ng ngiti ang bunso namin.

"Nasa America sila."

"May mga kapatid po ba kayo?" Si Aya naman ang nag tanong.

"Meron. Pero di ko siya laging nakakasama." Sagot ni Ghitt.

"Hayaan niyo munang kumain ang ate Ghitt niyo. Mamaya na yang tanong." Suway ni nanay sa dalawa.

Nararamdaman kong ayaw pag usapan ni Ghitt ang kanyang pamilya. Nakikita kong malungkot siya. Tinititigan ko si Ghitt na kumakain pero parang alam niyang may nakatitig sa kanya at napatingin siya sa akin.

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon