Jai's POV
Magiliw naman ang lahat sa pagkuha ng pictures sa loob at labas ng yacht na ito.
At matapos ang ilang pose nila ay dito kami tumambay sa itaas ng cabin. May kalakihan kasi ang deck dito tapos may roof kaya sobrang presko ng hangin ang humahampas sa mga mukha namin.
"Hanep! Ang bigatin ni Atty. Rey."
Sabi ni Kim na bumungisngis.
"Oo nga eh." Sang ayon naman ni Ate Marie.
Tahimik lang akong pinagmamasdan ang paligid. Ang ganda ng dagat, nakaka relax.
"Si Atty. Rey ba talaga may pakana nito? Kasi nung araw na may dumating na mga men in black sa shop, sabi niya sa amin ay dapat si Ghitt Asher ang mag sabi ng mga nangyayari."
Sabi ni Robie habang tinitingnan si Ghitt na nakatayo malapit sa akin. Ang galing din pumick up nang isang 'to.
Ngumisi naman si Ghitt at napatawa ng mahina. "I was planning to tell you later tonight, but I guess you got me." Sabi nito na ikinalito nila Kim at Robie. Kasali din si Jason, si Nanay at ang dalawa kong kapatid ay nasa loob ng cabin kaya hindi nila alam ang mga nangyayari.
"Anong ibig mong sabihin?" It was Kim, pabalik balik ang tingin niya kay Ghitt at sa akin.
"I am the owner of the coffeeshop you're working at." Sabi ni Ghitt at napasinghap naman sila Ate Marie, Kim at Robie.
"Kaya pala lagi kang tumatambay doon simula nung naitayo yun." Natutop ni Ate Marie ang bibig nung tumango si Ghitt sa sinabi niya.
"Aside from watching out how the shop is going well, I really love coffee, that's why I always went there." Tumango naman sila sa sinabi ni Ghitt.
"Pero bakit sinira ang shop? Sino ang mga lalaking yun Ghitt?" Tanong ni Kim. Tiningnan ko si Ghitt pero mukhang relax na relax siya. Sasabihin niya na ba ang totoo niyang pagkatao?
"Because the Strife is looking for someone." Ang tanging sinabi niya.
"Strife? Diba yun yung kinuwento ni Joy sa atin nung mga nakaraang buwan? Yun din ang apelyido ni Rad, ang sikat na actor?" Naalala pa talaga ni Robie yun? Buti pa siya. Kaya matalino din siya eh.
"Tama! Pero bakit kailangan sirain ang shop mo? May kinalaman ka ba sa nawawalang babaeng yun?" Tahimik lang si chef Cass at si Joy na nakikinig sa kanila. Pati na din ako, pero si Jason mukhang may malalim na iniisip.
"Ikaw ba si Rhegitt Strife?" Biglang sabi ni Jason na ikinatahimik nila.
"Yes."
Singhap lang ang narinig ko sa mga natitirang hindi pa alam ang katotohanan.
Tiningnan naman nila kami.
"Bakit parang alam niyo na?" Tanong ni Ate Marie sa amin, nung napansin niyang wala kaming naging reaksyon.
"Matagal na naming alam. Pero mas gusto namin na kayo ang makatuklas or si Rhegitt Strife talaga ang mag sabi. Kasi wala kami sa lugar para ibunyag ang sekreto niya." Sabi ni Joy.
Wala namang reaksyon ang dalawa naming kaibigan. Pero nakanganga sila na parang hindi makapaniwala sa natuklasan.
"Rhegitt Strife." Seryosong nakatingin si Kim kay Ghitt at lumapit.
Anong gagawin niya? Galit ba siya?
"Pwedeng magpa picture?" Natawa lang si Ghitt sa narinig, nakahinga naman ako ng maluwag sa inakto ng kaibigan ko. Loka loka talaga ang babaeng yun.
"Sali na kayo dito Robie! Joy!" Kaya lumapit naman ang dalawa at nagpa picture.
"Wag niyo munang i-upload yan ha?" Sabi ni Joy na pinagtataka ko.
"Bakit naman?" Nakapout na tanong ni Robie sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Finding Rhegitt Strife
Fiksi RemajaDaughter of one of the most richest man in the world went missing. Was she kidnapped? Or is she hiding? Read and find out. English-Tagalog Highest Ranks in Tags: #1 in English-Tagalog tags #5 in GxG
