Twenty Four

1.5K 60 8
                                        

As the day breaks, the blue sky appeared and the birds are chirping lovely on the tree tops. A black Toyota Fortuner stopped in front of a university.

Four guys were inside the car, watching everyone who walks passed the car like a hawk.

"Are you sure this is the school?" The one in the shotgun seat asked.

"Positive." The driver answered.

"Here's a picture, so we could actually identify her."

The two guys in front looked behind at the backseat when one of their comrade showed them a picture of a woman.

"Alright. Watch carefully."

The four guys waited patiently and observing the surroundings. An hour later four girls came into view. The guys inside the car look into the picture and back at one of the girls.

"That's her." The driver said.

"Call the boss. We're clear to move." The guy who was in the shotgun seat said.

* * * * *

Jai's POV

Ilang araw na ang lumipas simula noong huling pagkikita namin ni Rhegitt. Hanggang ngayon, hindi pa siya nagpapakita or nagpaparamdam.

Ni text hindi magawa. Ano kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Ganon na ba ka seryoso ang anumang inaatupag niya? Namimiss ko na siya.

"Uy Jai, 'yang mukha mo nakabusangot. Parang pasan mo ang mundo sa mood na pinapakita sa amin."

Sabi ni Kim. Nasa school kami ngayon, lunch time na at napagdesisyunan namin na kumain dito sa karenderya na nasa harap lang ng school.

"Paanong pasan niya ang mundo? Eh, wala nga 'yung mundo niya dito." Sarcastic na sagot ni Robie.

"Wala pa rin ba?" Tanong ni Joy habang nag aalalang nakatingin sa'kin.

Nakatingin ako sa screen ng phone ko. Pero wala talagang text. Tinatawagan ko din si Harold pero hindi din ito sumasagot.
Padabog na nilagay ko ang phone ko sa mesa.

"Ay wow! Di porke't mayaman girlfriend mo, pwede mo na itapon phone mo." Sabi ni Kim. Inirapan ko nalang siya.

"Kumain na nga lang tayo. Ako na mag o-order." Tumayo na si Robie at naglakad patungo sa counter.

"Baka busy lang talaga si Ghitt. Alam mo naman. Isang Strife kaya ang jowa mo." Pabulong na sabi ni Kim sa last name ni Rhegitt.

"Oo nga naman Jai." Sang ayon naman si Joy sa sinabi ni Kim.

"Oo, alam kong busy siya. Pero bakit hindi niya magawang mag text or tumawag man lang? Nag aalala kaya ako." Sagot ko naman.

"Chillax my friend. Alam mo namang hindi basta basta ang pinasok mong relasyon. The woman's loaded, of course she's tending to her business." Sabi ni Joy na nakangisi.

"Naks! Napapa english tayo ah."

"Nahawa yata ako kay Ghitt." Nagtawanan naman ang dalawa sa naging usapan.

"Anong business naman aber? Hindi nga umuwi ng Americ–" Napahinto ako sa sagot ko. Baka umuwi nga ng America si Ghitt.

"Baka monkey business?" Sabat ni Kim.

"Natahimik ka yata?" Si Joy na talagang nag-aalala na sa akin.

"Baka umuwi siya ng America, Joy." Malungkot na sambit ko.

"H'wag kang advance mag-isip. Baka busy lang talaga." Sagot niya.

"Oh, ito na foods natin." Dumating na si Robie at nilapag ang tray na may nakapatong na mga inorder niyang pagkain.

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon