Thirteen

1.9K 82 3
                                        

Jai's POV

Tatlong araw nang hindi nagpapakita si Ghitt sa coffee shop. Tatlong araw din balisa si Jason at hindi makausap ng maayos.

Walang Saminto at Jethro na lagi kong nakikita sa kanto para ayain si Jason.

Tatlong araw din si Atty. Rey na laging nandito sa shop.

Tatlong araw lang pero parang ang haba ng oras.

Gloomy ang mood ng shop, ewan ko ba. Ako lang ba yung nakahalata o yung iba din?

"Ate Marie?" Sakto lumabas siya mula sa office.

"Yes Jai? Anong problema?"

"May problema ba dito sa shop?" Tanong ko sakanya.

"Hmm wala naman. So far, mas tumaas ang sales natin." Sagot niya saka ako tumango.

"May nangyari ba nung gabing maaga tayong umuwi?" Napag isipan ko na 'to, kinabukasan kasi naging gloomy na ang mood ni Atty. Rey tsaka ni Jason.

"Yan nga din yung tanong ko sa sarili ko. Wala namang nasabi si Atty. sakin."

Pagkatapos naming mag usap, bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho.

"Namimiss mo na?" Asar na tanong ni Joy sakin, chumichika na kasi wala na masyadong customers. 7:00 PM na din.

"Sira! Nag aalala lang. Palagi kaya yung nandito." Sabi ko.

"Asus! Kunwari ka pa." Natatawang sabi niya.

Sakto namang may customers na dumating at hindi ko na pinatulan ang pang aasar ni Joy.

Dalawang lalaki na Americans. Yung isa naka mask pa. Ang weird ha?

Lumapit ako sa table nila para makuha ang order nila. "Good evening gentlemen. What can I get you?"

Lumingon naman sila sakin at sinabi ang order nila.

"Alright. I'll be right back." Sabi ko sa kanila.

Nung bumalik ako sa counter tulala si Joy na nakatingin sa kawalan.

"Hoy! May order tayo." Pukaw ko sakanya pero parang wala siyang narinig.

"Joy?" Kinaway kaway ko pa ang kamay ko sa harapan niya.

"He looked familiar." Sabi niya sa sarili. Naks! Nag eenglish kapag tulala!

"Joy!"

Napukaw ko ang atensyon niya. "Huh? May sinasabi ka?"

Napailing iling nalang ako buti nalang bumalik siya sa katinuan.

* * * * *

Kinabukasan. Ganon pa rin, walang Ghitt na nagpakita. Si Jason, wala sa bahay natulog kagabi.

Sabi ni Nanay, nagpaalam naman daw ito ng maayos na makikitulog ito sa classmate niya at may project daw sila.

Hindi ko pa ito nakakausap ng matino at masinsinan. Itatanong ko lang sana kung magkasama ba sila ni Ghitt.

Nag try din akong i chat si Ghitt kagabi. Total friends na kami sa Facebook. Pero wala rin akong napala, hindi man lang nag seen.

7:00 PM na at andito na naman yung dalawang lalaki kagabi. Same order pa rin at naka mask ang isa sakanila.

Si Joy na mismo ang kumausap at nagbigay ng order nila. Inunahan nga ako eh.

Baka jowang jowa na ang loka.

"Jai? Bakit andito ka?" Si chef Cassy na lumabas pala galing kusina.

"Ah si Joy po kasi ang kumuha ng order nung dalawang customer na yun." Tinuro ko naman si Joy.

Finding Rhegitt StrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon