Jai's POV
Eksaktong naging dalawang linggo na simula nung huling text ni Rhegitt sa'kin. Walang balita tungkol sa kanya. Lahat ng kakilala ko na may access sa kanya, walang may alam.
Kahit na ang kapatid nitong si Rad ay wala ring ganap sa kahit anong social media niya. I messaged him but unfortunately, wala akong response na natanggap. Pati nga si chef Cass ay wala ding balita tungkol sa magkapatid.
Kahit na ang grupo nila Saminto, walang alam sa nangyayari. Hindi ko na alam kung may hihintayin pa ba ako or kailangan kong magtiis kagaya ng payo nila sa'kin.
"What's bothering you?" Napa angat ako ng tingin at nakita si Teptep.
"Wala." Agad na sagot ko. Naupo siya sa kabilang upuan. Nasa may concrete table ako ng school namin. Hinihintay ko ang tatlong gaga, na ewan ko kung saan na naman nagpunta.
"Nakabusangot ka na naman. Sige, may joke ako."
Ito na naman siya. For the past two weeks lagi siyang nakabuntot sa'kin. Sinasabi niyang namiss niya raw ang kababata niya at gusto niya lang mag hang out. I like his company. He gives me the bro friendship vibe.
Knowing wala naman akong masyadong kaibigang lalaki. Kaya Teptep suits the description.
"Oh ano na namang mais na joke 'yan?"
"Ito naman, nagtataray agad. Ito na."
"Dalian mo kasi!" Natawa lang siya sa inakto ko.
"Okay, ano ang pinakamalaking sea creature?"
"Balyena." Sagot ko.
"Anong tawag sa malaking violin?"
"Ha? Meron bang ganon?" Natawa siya sa tanong ko.
"Oo meron. Hindi ka kasi masyadong nanonood ng mga pelikula eh. May ganon nga." Sabi pa niya.
"Ah ewan ko! Nakakatamad mag-isip. Sirit na!"
Natawa lang siya sa naging reaksiyon ko. "Okay, ang tawag sa malaking violin ay violina. Kasi if balyena ang malaking–"
"Don't bother explaining your corny joke to her. Hindi niya naman talaga mage-gets 'yan." Napalingon ako at nakita si Joy sa likuran ko, kasama ang dalawang gaga.
"Oh, saan kaayo galing?"
"Gathering some information." Sagot ni Joy habang nakatingin kay Teptep. While ang dalawa ay parang tanga lang na nakatingin kay Joy.
"Anong information pinagsasabi mo? Sinamahan ka naming jumebs ah." Sabi ni Kim dahilan para tumawa ako.
"Let's go Jai." Sabi ni Joy at kinuha ang kamay ko.
"T-teka 'yung bag ko– Ah Tep, next time nalang ah!" Agad ko namang kinuha ang bag ko kasi nagmamadali si Joy eh.
"Cello ang tawag sa malaking violin na sinasabi mo. I know it's a joke, but your joke is lame just like you." Habol pa ni Joy at nagsimulang maglakad habang nakasunod ako sa kanya.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko. Malayo layo na kami sa concrete table at itong dalawang kasama naman namin, parang mga shunga na nakatingin sa amin.
"Oo nga, agitated ka ngayon Joy." Komento ni Robie.
Binitawan ni Joy ang kamay ko at nag cross arms. "He's totally flirting with you and you're totally oblivious." Sabi niya.
"Sino? Si Teptep? Kaibigan ko lang 'yun no."
"Whatever. Just don't forget that you have a girlfriend." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Finding Rhegitt Strife
Ficção AdolescenteDaughter of one of the most richest man in the world went missing. Was she kidnapped? Or is she hiding? Read and find out. English-Tagalog Highest Ranks in Tags: #1 in English-Tagalog tags #5 in GxG
