TRIGGER WARNING ⚠️
-----
Paano nga ba ang isang mundo ay umiikot ng hindi mo nararamdaman?
Ang oras ay tumatakbo at ang mga araw ay lumilipas na lang.
Sa sandaling, inaalala mo na lang ang kahapong nagdaan.
That tomorrow will go today and today will be just yesterday and the cycle of life never stops spinning.
At mapapa-upo ka na lang iniisip kung ano nga ba ang kahulugan ng buhay at kung bakit nagbabago ang panahon, pangyayari at mga tao.
There you are thinking that things in life are going to change and it is for you to realize, It's not about the changes it's about how you react to these changes, accept these changes and understand things change for a reason and usually it's for the better...
And there comes a time when you need to look at who is in your life, who you want in your life, who you need in your life and who you need to get out of your life...
Life is short ika nga.
Thus, my biggest regret in life is growing up too damn fast.
Sometimes I wish I could just be a little kid again. So when life gets tough you can just play pretend. I want to go back to when Santa did exist. When my daddy was the only boy I ever kissed. When Disney World was the best place to be. When the only movies you could see were rated G. When your biggest problem was learning to write your name and people didn't change...and your friends were the same.
And every time you were sad or you had a bad day. You could just run to mommy and it would all be okay. I want to go back to no hurt...and no pain...just laughter.
When everyone always lives happily ever after..
But I can't turn back time and nothing lasts forever, no matter how it feels today.
-- Cc
***
"Dora!"
Nagising ang diwa ko hindi dahil sa sikat ng araw, kundi dahil sa tunog ng pintuan naming parang sinasapiang sako ng bigas sa lakas ng kalabog.
Jusko, akala ko ba tapos na ang lindol nung nakaraang buwan?
"Dora, anak ma-lelate ka na! Ano, balak mo bang doon na mag-retire sa kama mo?!" sigaw ni Mama mula sa labas.
Grabe. Yung boses ni Mama, dinaig pa ang megaphone sa rali. Kung may sunog man, hindi na kailangan ng fire alarm; ibuka lang niya ang bibig niya, pati yung bumbero sa kabilang baranggay magigising.
"Pandora!" Isang malutong na sigaw ulit. Napabalikwas ako ng bangon. Yung puso ko, muntik nang lumabas sa lalamunan ko sa gulat.
"Ano ba 'yan... anong oras na ba?" ungol ko habang kinakapa ang alarm clock sa tabi ko. Wala. Nawawala ang table clock kong kulay pink.
Shocks. Bigla kong naalala. Parang narinig ko ngang tumunog 'yun kanina, at dahil sa sobrang antok, malamang ay na-isparring ko 'yun kung saan.
Baka nasa ilalim na ng cabinet o kaya ay tumalon na sa bintana sa sobrang sama ng loob sa akin. Saka ko na hahanapin, baka nagtatampo lang 'yun.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomansaSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...
