Hindi ko alam kung anong oras na nang dumilat ang mga mata ko.
Ang liwanag ay nakakasilaw na tumatagos ra manipis na kurtina dito sa loob ng kwarto.
Naramdaman kong may katabi ako sa higaan..
Cece?
Ikaw ba yan?
Walang boses na lumabas sa bibig ko.
Sinubukan kong lumingon pero bakit ang hirap gumalaw?
Parang namamanhid na naman ang buong katawan ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang brasong nakayap sa tiyan ko. Para ding pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit.
Hindi ko din alam kung nasaan ako at kung kaninong kwarto to.
Bumalik naman sa alaala ko ang nangyari kagabi, sobra akong nalasing, kasama ko si Vivi at hindi ko maalala ang mga sumunod pang nangyari bago ako nakatulog.
Bigla ay nagawa ko ng makagalaw, napatingin ako sa katabi ko at nanlaki ang mga mata ko sa kung sino ang nasa tabi ko ngayon!
Vivi!
Napabalikwas ako sa ilalim niya, pero hindi ito gumalaw. Biglang pinagpawisan ang noo ko, and having her so close to me made me warmer. Marahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayap sakin, at narinig kong umungol ito sa tenga ko.
Sh**t!
para akong kinuryente at tumayo ang balahibo ko. Then she sucked in a sigh, vibrations rattling in her throat.
Parang ang init, literal na mainit na ikinasama ng pakiramdam ko, sobrang sama para akong dinadaganan ng ilang toneladang bigat.
Napakuyos ako ng mukha habang napapalunok. Parang nagpoprotesta ang lungs ko ng huminga ako ng malalim. Biglang sumakit lalo ang likod ng ulo ko siguro dahil sa hang over.
I rubbed my eyes, trying to focus on something, anything.
Pero biglang umikot ang buong kwarto. The room looked fuzzy with the lines blurring together. Lumalabo ang paningin ko, nagdedeliryo na ata ako.
I tried to turn my head, but it cracked and stopped moving. Isang basag na ungol ang pumuno sa lalamunan ko. Napatitig ako sa kisame habang kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
Ilang sandali lang nagsimulang manginig ng wala sa kontrol ang katawan ko, napapikit ako ng mata.
Ano ang nangyayari sakin?
***
Mga bulungan ang tanging naririnig ko sa paligid then a hushed voice sounded urgent. Sa isang maikling oras, ang kwarto ay nanatiling tahimik, and I wondered kung lahat sila ay umalis na o kung ako ay namatay na ba.
Pagkatapos ay nagkaroon ng magulong ingay. Narinig ko ang pagbukas-sara ng kung anong bagay. Mga ingay ng mga yapak ng paa. Upuang nasigalawan na parang ibinato sa sahig.
Tumataas ang mga boses na parang sigaw.
Mga sigawan.
I tried to open my eyes, but they refused. In the chaos around me, pinilit kong imulat ang mga mata ko at natanaw ko agad ang pamilyar na mukha ni Vivi. Her hands moved softly over my hair. Her voice whispered close to my ear.
"Dadalhin ka namin sa ibang hospital Panda. You're gonna be okay."
Lahat ay naging mabilis na pangyayari. I slipped in and out of consciousness, hindi naging sapat ang aking alerto para makuha ang lahat ng detalye.
The scent of Vivi's perfume stayed with me during the ambulance ride.
Hinawakan niya ang kamay ko at kinakausap ako. Gusto ko siyang tanungin kung mamamatay na ba ako, pero hindi kayang lumabas o dumaan man lang ang mga salita sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
Roman d'amourSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...