Chapter Eight

34.3K 1.1K 521
                                        

The sky isn't always blue. Not always does the sun shine. So it's okay to fall apart sometimes, but always remember to get up again... Every ending is another beginning. Every beginning is a sign that there will be an ending. Nothing is ever over yet nothing lasts forever. Just take time to savor the life you have right now, after all... And Miracles always happen, just Believe and Breathe...

--- Cc

***

​"You can't go to wonderland if you don't sleep, Panda,"

Bulong sakin ni Cece habang nasa gilid siya ng higaan ko. Nakatukod ang siko niya habang nakaangat ang ulo niyang nakasuporta sa kanyang kamay. She's staring at me. Her hazel-brown eyes glowing in the dimmed light.

Para siyang dapit-hapon na tumatagos sa bintana..mainit, nakakasilaw, pero alam mong panandalian lang.

Those eyes of hers? They're like amber honey. Kung bubuyog ako, matagal na akong nalunod at namatay sa tamis, and honestly, I wouldn't even file a complaint.

Her few hair strands fall upon her face that made her look more alluring. Ang ganda niyang tingnan kahit saang angulo. Napangiti ako.

​"I can only be in wonderland kung katabi kita Cece." I faced at her closer. Niyakap niya naman kanyang kabilang kamay sa bewang ko. Now we're close to each other habang nakahiga kaming dalawa.

​"Really?" She cooed. Naamoy ko naman ang mabango niyang hininga. Minty apple.

​"Ang ganda ng mga mata mo..." Sabi kong may puno ng paghanga. Hinawakan ko naman ang pisnge niya ng kamay ko habang hindi inaalis ang mga titig ng magaganda niyang mata sakin.

​"Yeah, Because, I only have eyes for you Panda." Ngumiti siya kinabig ako papalapit sa kanya. Napayakap siya sakin. I smelt her fruity scent. It's like blueberry..

She smells like a summer morning. Isang basket ng blueberries at bagong pitas na mansanas. My senses are having a feast habang ang logic ko, gutom na gutom na sa katinuan. How can a person be this aesthetic? Lord, ginawa Mo ba siya noong overtime Ka at inspired na inspired?

​"Cece, pangarap ka na lang ba? o magiging katotohan na..." Pabulong kong sabi at niyakap siya ng mahigpit. Parang linya ng kanta yung sinabi ko pero yun ang nararamdman ko ngayon. Nakasandal ako sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ni Cece. Parang musika pag pasko. Bells, carols and twinkling lights.

​"It's realPanda." Her voice's so heavenly.

​"How come? This is just a dream, but feels, so real? Ang lapit mo sakin nasasabi ko sayo ang gusto kong sabihin. Lahat ng magagandang bagay na nakikita ko ngayon, nasayo...Tell me Cece, Am I really inlove with you?"

Tiningnan niya lang ako. Not saying any words pero nagulat ako ng bigla niya akong dampian ng halik sa labi. I was stunned for 5 seconds. Mabilis lang yun pero ramdam ko parin ang pag-iwan ng halik niya sa mga labi ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

That kiss was a short circuit. Kung ang puso ko ay isang lumang fuse box, sumabog na lahat ng wirings ko. It wasn't just a touch; it was a silent confirmation, a semicolon in a sentence na akala ko ay tapos na.

​"You never can tell what two people in love will do or how things will turn out. What they say and what they do can be very different from what they feel. How they act often makes no logical sense. Panda, Its madness." She slid her fingers up my arm that made a shiver pass through my skin. Her touch was wonderful.

​"So I'm mad?" I asked.

​"We're mad."

​"Cece..." Gusto ko sana sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero pinigilan niya akong magsalita nang ilagay niya ang daliri niya sa labi ko.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon