Chapter Nine

28.7K 940 899
                                    

Oftentimes we call Life bitter names, but only when we ourselves are bitter and dark. And we deem her empty and unprofitable, but only when the soul goes wandering in desolate places, and the heart is drunken with overmindfulness of self.

Life is deep and high and distant; and though only your vast vision can reach even her feet, yet she is near; and though only the breath of your breath reaches her heart, the shadow of your shadow crosses her face, and the echo of your faintest cry becomes a spring and an autumn in her bosom.

And life is veiled and hidden, even as your greater self is hidden and veiled. Yet when Life speaks, all the winds become words; and when she speaks again, the smiles upon your lips and the tears in your eyes turn also into words. When she sings, the deaf hear and are held, and when she comes walking, the sightless behold her and are amazed and follow her in wonder and astonishment.

Ps: you're my Life.

--- Cc



***

"Pandora!"

"Oh Jack?"

"Pandora hindi ka na kumakausap sakin" Lumapit siya sakin at parang hindi na naging malakas ang dating ngayon ang dating niya parang naumay ako.

Ang hard ko lang.

"Sorry medyo naging busy lang, kailangan ko kasing tutukan si Cece" Sagot ko.

Sa totoo lang hindi ko din nagustuhan yung inasal ni Jack kay Cece parang yung reaksyon ng mukha niya malaki ang disgusto ng malaman niyang patient si Cece.

"Pandora sorry nga pala sa inasal ko nung nakaraan" Hinawakan niya ang kamay ko pero bigla ko yun iniwas.

"Wala yun Jack" Ngumiti ako.

"Ahmm Pandora pwede ka bang sa sabado ng gabi?" Nakangiting tanong niya.

"Huh bakit?"

"May paliga kasi ang LDV at kasali ako sa basketball team, sana makapanood ka." Sagot niya.

Talaga may paliga?

Meron pala nun dito sabagay di ko parin talaga nilibot ulit ang buong LDV.

Nakita ko nga na may gym at tennis court din dito pati garden nung una kong dating dito at inilibot ako ni Emily.

"Talaga? Sige manood ako" Nakangiting Sagot ko. l

Wala din naman ako gagawin pag gabi minsan binibisita ko si Cece at chinecheck pero maaga siyang natutulog.

"Salamat Pandora!" Niyakap bigla ako ni Jack.

"Ah Jack" Kumawala na siya. Bakit ganoon parang walang epekto sakin ang yakap niya.

"Sorry Pandora, sige kita tayo sa sabado" Paalam niya saka umalis. Naglakad na rin ako papunta ng South.



***

"Panda hindi na ba dumudugo ilong mo?" Tanong ni Cece.

Chinecheck ko ngayon ang blood pressure niya.

Normal naman.

"Ha? Eh hindi na" Inilagay ko na sa tray ang BP apparatus.

Oo nga hindi ko din alam bakit ako ninosebled at nahimatay noong nakaraan.

"You sure?" Tanong niya.

"Oo Cece baka sa init lang yun kaya nadugo" Ngumiti ako saka iniready ang Vitamins at gamot niya.

"Kinabahan ako dun Panda, akala ko dahil sa nakita mo akong naked kaya dumugo ilong mo" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

Bigla akong nilamigan habang naaalala yun.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon