"Hello Ma, kamusta ho?"
Heto na naman ako, nasa gilid ng bintana habang kausap ang pinakamalakas na megaphone sa buhay ko..si Mama. Isang buwan na rin pala ang lumipas mula nung muntik na akong maging headline sa balita bilang nurse na na-hostage ng isang magandang pasyente.
Sa loob ng isang buwang 'yun, marami nang nangyari..naging hostage, naligo sa lawa, nagkaroon ng mga kaibigang..oso, at ang pinaka-highlight..ang matinding kaba sa puso ko.
Minsan tinatanong ko ang sarili ko, Pandora, nurse ka ba rito o ikaw na ang susunod na kukuha ng kwarto sa South Building? Pakiramdam ko kasi, kaunting kembot na lang, magiging unwell na rin ako sa ganda ni Cece.
Nabalik din agad ang diwa ko ng magsalita na si Mama sa kabilang linya sa kanyang usual na mataas na boses at may tunog sermon na naman.
"Anak! Namimiss ka na namin, kailan ka ba uuwe? Anak kamusta ka na ba diyan ha? Masiyado kang susob sa trabaho baka napapabayaan mo na ang kalusugan mo, ang mga bilin ko, tsaka ano... baka may boyprend ka na diyan ha"
Namimiss ko na din talaga si Mama hindi yung panenermon niya at yung pasingit niya lagi ng about lovelife...
Namomoblema na nga ko sa love na yan o confused lang ba talaga ako.
"Mama!! Kayo talaga, ako po yung unang nagtanong ah! Okay lang ho ba kayo diyan?" balik-tanong ko para maiba ang usapan. Hirap na, baka mauwi sa imbestigasyon ang tawag na to.
"Okay lang kami dito anak, wag mo na kaming aalahanin. At isa pa, 'di mo na sana binigay pa yung sweldo mo! Kailangan mo 'yan, nagpapadala din naman ang Papa mo dito, sobra pa yung sa amin ni Percy."
"Mama, okay lang ho. Malaki pa naman ang natira sa akin. Hindi naman ako magastos dito, tsaka gusto ko rin po makatulong para makauwi na si Papa," sabi ko habang nakatingin sa kisame.
Totoo naman. Ano bang gagastusin ko rito? Yung pagkain namin, kaltas na sa sweldo ni Miss Tess. Yung entertainment ko, libre..nandiyan si Emily at si Sam.
"Hay ang Anak ko ang bait-bait talaga, lagi ka diyan mag-iingat ha"
"Opo Ma, kayo din po ni Persephone diyan. Namimiss ko na din po kayo. Baka ho next week sa weekends makakauwi ako diyan sa day-off ko."
Pagkababa ng telepono, huminga ako nang malalim. Parang nabawasan ang bigat ng dibdib ko, pero nadagdagan ang existential crisis ko.
Lumingon ako kay Emily na busy rin sa kung ano-ano. Naging bonding na namin ang magkwentuhan tungkol sa mga ganap sa LDV..pati na ang mayroon sa kanila ni Matilda. Pagkatapos ng tawanan at konting asaran at nagpaalam na rin kami para matulog.
Bago pa ko tuluyang lamunin ng antok ay naisip ko pa si Cece, inisip ko kung hanggang kailan ko siya makakasama at kung totoo nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kinaumagahan ay maaga ulit akong nagising naunahan ko ulit ang alarm ni Emily na cherry mobile ringtone.
Wala talaga siyang balak palitan yun sabi niya hindi niya daw kinakahiya ang brand ng cellphone niya gaya ng pagiging proud niya sa gender preferences niya, akalain mo yun may hinugot pa siyang nasabi.
Hindi ko din alam bakit pinagiinitan ko yung alarm tone niya.
Nang matapos na kong maligo at mag-ayos ay dumerecho muna ako sa office ni Miss Fin.
May tinext din kasi siya kagabi na pumunta muna ako sa office niya bago magduty.
"Goodmorning po Miss Fin." Agad na bati ko kay Miss Fin.
Nakaupo ito ng casual sa kanya upuan.
Still looking attractive and Professional.
"Good Morning, Miss Del Rio. How are you? You look good. Maupo ka muna," sabi niya sa boses na parang haplos ng mamahaling silk. Nag-blush ako nang very light.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...
