Love the vitality of the mornings, run your fingers along the calm of the afternoons, take the spirit of the evenings in your arms, kiss it passionately, and then make love to the tranquility of the nights.
Panimula kong sulat.
Minsan ang kirot sa puso parang bagyo na dumarating na lang galing kung saan na ang napakamaliwalas na tag-init ay matatapos na lang sa ulan, magtatapos na lang sa kulog at kidlat. I'm still wodering why people just come and go without saying anything, iniisip ko din kung ano ba ang mas masakit e, ang umalis ng walang paalam o yung magpaalam at aalis na lang.
Miss na miss na kita Cece.
Ang sakit na talaga e, ganito pala yung sakit yung hindi ka na makahinga literal na bumibigat at kumirot ang dibdib mo.
Buong akala ko isa lang yung chemical na nilalabas ng utak para makaramdam ka ng ganito pero iba e sa tuwing naiisip ko Cece ang hirap pigilan ang umiyak.
Pero kaya ko pa, maghihintay parin ako sayo Cece. Wala pa to sa paghihintay mo sakin noon.
Ilang segundo din ako napatitig sa Panda Journal at muling nagsulat.
Naalala ko pa yung mga oras na nakaupo lang tayo ng tahimik at pinagmamasdan ang sa paligid natin. Yung oras nakaupo lang tayo without saying anything, no words came out yet we still feel content. Naging makahulugang ang katahimikan na parang pinaglalapit pa tayo lalo na magkasama dahil naging komportable tayo pareho ng hindi nagsasalita. And it was one great paradox.
I'll wait for you, my Cece.
--- P
Words were really different when they lived inside of you.
Huminga ako ng malalim bago ko isinara ang Journal at itinabi ang Journal saka napatingin kay Candice na nagigising na.
"Candice..." Mahinang tawag ko habang unti-unti iton napapamulat ng kanyang mga mata.
Agad itong napatingin sakin. Nagpupungay pa ang mga mata nito at parang hinang-hina pa kaya agad ko siyang inaalalayan makaupo. Napatitig lang to sakin, bakas parin ang matinding lungkot sa mga mata niya at sakit. The hurt that was so deep that it was way beyond tears and so her face were dry now.
Agad kong hinawakan ang kamay nito.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Napatingin lang siya sa paligid saka sa malayo. Nagbuntong hininga lang ako at ngumiti sa kanya.
"Kumain ka muna...kailangan mong makabawi ng lakas, Candice" Kinuha ko ang mangkok sa table na may laman ng pagkaing binigay ni Krusita.
Umiling naman ito ng tinangka ko siyang subuan saka napabaling lang ang paningin nito sa gilid ng kama niya malapit sakin. Nandito yung notebook niya. Napatingin ito ng masama sakin dahil naisip na nito na binasa ko ang laman nun.
"Sorry," Nagulat ako ng bigla niya itong kinuha ng mabilis saka nagsulat doon at ipinakita sakin.
Pinakealaman mo mga gamit ko.
Nakasalubong parin ang magaganda nitong kilay na napatingin sakin.
"I'm sorry, n-nakita ko lang tong notebook---" Napatigil ako ng umiling ito at lumayo ng kaunti sakin na parang may kung ano akong nakakahawang sakit.
Sumulat ito ulit.
I can't eat. I'm not doing too well in terms of being a functional human, u know?
"Candice...please..." Pakiusap ko. Halata kasing hinang-hina pa ito at hirap sa pagbangong. "Kailangan mo ng makabawi ng lakas"
Sumulat ito: can you leave me alone
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...