Sometimes the real trouble with reality is that there's no background music.
People might say your not normal but if you ask me normal isn't that much fun. Being yourself and being a phenomenal, exceptional, singular, odd, rare and not quite normal species is Awesome, don't change that who you really are.. Because Crazy people love crazy people cuz normal people don't understand..
So, I am so smarty-ass here, that sometimes I don't understand a single word of what i am saying.
Did you?
--- Cc
***
Hindi ko nadatnan sa Sanctuary si Cece kaya dumerecho na ko ng inpatient quarters.
Lagi naman mas maaga magising sakin si Cecelia pero ngayon ata tulog pa siya.
Nang makarating na ko sa labas ng kwarto niya akmang kakatok na sana ako nang may marinig ako sa loob na kung anong maingay kaya minabuti ko munang pakinggan kung ano man yun.
"Ahhh, Cece baby, dahan-dahan lang"
Teka. Ano raw?
"Samantha, Nakapasok na"
Nanlaki ang mga mata ko. Parang nag-loading ang utak ko nang 99% tapos biglang nag-error.
Dios Mio Marimar! Mahabaging langit, anong kalapastanganan ang nagaganap sa loob?!
Minabuti kong itapat ng maige ang tenga ko sa pinto para malinaw kong marinig ang mga nangyayari sa loob.
"Ah! Masakit!!!!"
"Why?"
"Hugutin mo agad! Cece baby, ah! Ang saaaakit, kaaaasi..." parang naiiyak pang atungal ni Sam.
"Bakit kasi ang sikip nito?"
'Mga taksil!!!!'
Napakunot ako ng noo dahil sa mga narinig ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa sakin to ni Cece!
"Maliit kasi ang butas.." sabi ni Cece.
"Basain natin para mahugot," sagot ni Sam. "Cece baby, dali... sumasakit na daliri ko.
Napakuyom lalo ako ng kamao. Hindi ko na matake mga pinanggawa nila!!
"Teka---Ayan na Sam, basa na"
"Hugotin mo, Ahhh! Iikot mo lang bago mo hugotin, Ah malapit na!"
'Mga salawahan! Lalo na ikaw Sam! Malalaman din to ni Aries, akala mo inosente yun pala may tinatagong kalandian at santa santita ang bruha, malamang inakit niya lang si Cecelia! '
Sinasaktan lang nila ang damdamin ko! Huhuhu!
Bakit nagawa sakin yun ni Cece?
"You're eavesdropping."
"AY BUTIKI!"
Napatalon ako sa gulat. Paglingon ko, si Aries pala. Naka-neat bun, pormal ang dating, mukhang handa nang mag-duty. Samantalang ako, mukhang nahuling magnanakaw ng de-lata.
"Ang ganda ko namang butiki," aniya sabay ngiti.
'Ha! Humanda ang Samantha na iyan isusumbong ko siya!'
"Ang ganda ko namang butiki" Aniya saka ako nginitian.
"A-Aries, ikaw pala" Nauutal na sagot.
Kinakabahan ako kung sasabihin ko ba sa kanya na ang Wifey niya at ang Cece baby ko ay gumagawa ng milagro sa loob?
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...
