"There are so many ways to be brave in this world. Sometimes bravery involves laying down your life for something bigger than yourself, or for someone else. Sometimes it involves giving up everything you have ever known, or everyone you have ever loved, for the sake of something greater."
~~~~
Palabas ako ng kwarto ng may bumungad saking taong di ko inaasahang makikita ko pa.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Pinilit kong wag ipakita ang galit ko sa taong ito. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ang ganung bagay kinamumuhian ko siya pero kailagan kong pigilan ang sarili na kontrolin ako ng sarili kong emosyon. "Ano ang kailangan mo?" Muling tanong ko.
Nginitian niya lang ako saka ito sumagot. "Nagkamali ako ng kwarto, Sorry"
Gusto kong burahin ang mga ngiti sa mukha ng taong to! Dapat wala na siya dito at di na sana bumalik pa!
Nagkuyom ako ng kamao at nagpumilit na ngumiti sa harap niya.
"Okay" Sagot ko saka ako derechong naglakad pero agad niya akong pinigilan.
"Teka, you look familiar," Aniya saka muling ngumiti
Napasalubong ako ng kilay na binalingan siya. "Talaga? At sino naman? Mga babaeng tinake advantage mo?" Kahit ako nagulat sa binulalas ko pero salamat di niya yun masiyadong narinig o naintindihan.
"I'm sorry?"
Nagkunwari akong ngumiti saka iniba ang sinabi ko.
"I mean siguro madami magtatake advantage sayong babae kasi gwapo ka," Pagsisinungaling ko.
Wala talagang konsensya ang taong to!
"Really?" Saka ito ngumiti ng malapad na gusto kong mawala sa mukha niya parang nagustohan pa ata nito ang sinabi ko.
"Sige mauna na ko," saka ko siya tinalikuran.
"Teka, sandali lang...little girl,"
Napatigil ako bigla sa sinabi niya. Ang tawag na yun at yung boses mismo. Bigla bumilis ang pintig ng puso ko at napahawak ako bigla sa ulo ko. Isinandal ko ang isang kamay ko sa pader para suportahan ang sarili ko nang biglang may nanumbalik saking mga alaala.
"A-anong sinabi mo?"
"Little girl?" Ulit niya.
Awtomatiko akong napapikit.
***
"Takbo na! " Malakas na sigaw ng papa ko. Nakahawak siya sa kanyang tiyan na puno ng dugo.
"Papa!" Malakas na iyak ko ng makita ko ang papa ko na inaaway ng stranger. Sobra akong natatakot dahil nakasunod sakin ang stranger na umaaway sa papa ko.
Bang bang!
Napasigaw ako. Binaril niya si Papa. Natumba si papa sa sahig.
"T-takbo na!"
Agad akong tumakbo. Sobrang bilis baka saktan din ako ng stranger na yun.
"Papa" Iyak ko habang tumatakbo.
"Run little girl, you can run but you can't hide"
Nandiya na siya.
"Wag kang tumakbo your papa's gonna mad at you,"
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...