Chapter Thirty Six

11.7K 406 126
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas, and I stayed in bed five days in two weeks.

Hindi parin dumadalaw si Cece simula ng pag-uusap namin nung nakaraan.

Alam kong masama pa rin ang loob niya dahil sa mga sinabi ko.

Sa paglipas ng mga araw ay nalalapit na rin ang Birthday ko.

Sa susunod na buwan na yun.

Makakalimutan ko pa sana yun kung di lang ipinaalala sakin yun ni Mama. Alam din yun ni Vivi.

Di niya daw kasi makakalimutan ang Birthday ko at nagpresenta na siyang gumawa ng party para sakin.

Pupunta kaya si Cece?

Naalala niya din kaya ang Birthday ko?

Galit pa kaya siya sakin?

Ang sabi sakin ni Vivi ay nakiusap sa kanya si Cece na lumuwas ng Maynila para dun na magpagaling.

Hindi man lang siya nagpaalam sakin. Siguro ay masama parin talaga ang loob niya hanggang ngayon.

Her absence was giving a hard time. It was similar to waking up one day without any teeth. You wouldn't have to check the mirror right away to realize they were gone.

Kinabukasan, parang minsan nadadrained ang energy ko ng mabilis.

Nagsimula ng magdala si Vivi ng soda at snacks para sakin kapag nagmumuni-muni kami sa open field at sa iba pa namin pinupuntahan dito sa loob ng LDV.

I usually declined when she offered me help, she was not my nurse anyway.

Kapag kumakain, ay tutok sakin si Vivi kapag tinutulak ko ang pagkain ko palayo sa mesa, my toddler portion half-eaten. Kahit na ang pagsusulat sa Journal ko ay nakakapagod.

Tuwing gabi, nanatili minsan sina Klaudia at Sam sa kwarto bago ako matulog ay nagkukwentohan muna kami.

  

Isang buwan ang lumipas.
  

 
 

Nakalabas na si Sam.

At nalungkot kaming lahat lalo na si Aries.

Naalala ko ang sinabi niya bago ito umalis.

"Fear and faith have something in common. They both ask us to believe in something we cannot see. ..yan ang natutunan ko dito, it's always your own choice monster,"

Huling sinabi niya bago ito umalis.

Hindi parin nawawala sa isip ko si Cece. Namimiss ko na siya, mas mahirap pala pag di ko siya kasama. Pero alam kong ginusto ko din ito.

Nasaktan ko siya sa mga nasabi ko at nagawa ko siyang itulak palayo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang bigat bigat na dito sa loob ko.

Cece. My Cece.

Minsan umiiyak na lang ako kapag naiisip ko ang mga moment namin na masayang magkasama.

I failed. Di ko siya pinaglaban.

I'd lost her.

Sinubukan kong tawagin siya sa isip ko. Pumikit na lang ako habang umiilig ang luha na gabi-gabi na lang kumakawala sa pag-iisip sa nangyayari sa buhay ko.

Inisip ko lang si Cece. Iniimagine ko kapag nakasandal ako sa balikat niya, feeling the warmth of her skin flow through me before falling asleep in the only place I ever wanted to be.

Sabado, when I had to sacrifice some time na subukang matawagan at makausap man lang si Cece at kamustahin siya para sumama mag-shopping muna kay Vivi dahil bukas na daw ang birthday ko at kailangan dapat nakaayos ako at handa dahil magpaparty daw.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon