Chapter Thirty Three

13.1K 450 84
                                    

"Surprise!"

Sabay-sabay naming sigaw ng pumasok si Cece.

Bumakas agad ang malapad na ngiti nito sa kanyang magandang mukha.

Lumapit si Vivi sa kanya at niyakap ito ng mahigpit ganun din sina Sam. Hinalikan naman siya ni Klaudia sa pisnge at ginulo ang buhok nito.

Yumakap ito sa iba pang mga nurse: Aries, si Erika ang bago niyang nurse. Pati na rin sakanila ni Ms.Fin at Dra.Gabe.

Napapangiti ako habang pinapanood siyang masaya sa birthday niya.

"I'm sorry, Tintin." Narinig kong sabi ni Vivi na muli siya nitong niyakap.

"...As long as I can see that you're happy, that's all that matters and I can see how happy you are with Panda. Sana magiging okay na kayo" Napatingin sila sakin.

Ganun din kay Cece, hindi ko alam kung napansin nito ang lungkot sa mga mata ng mga taong nakapalibot sa amin.

But thank God, wala pa siyang ideya sa mga nangyayari, at sa maaring mangyari na hindi ko alam kung ano ang magiging epekto sa kanya.

"Thanks, Ate. It means a lot to hear you say that." Ngumiti sa amin si Cece.

A genuine smile actually.

Kumawala sila at muling nag-ngitian at tawanan ng mga kasama namin sa loob.

Tapos ay napalingon si Cece at lumakad papunta sakin.

Hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti.

"Thankyou" niyakap niya agad ako ng mahigpit. "I know ikaw ang ang may ideya ng lahat ng to," Nangising sabi niya.

"Hindi lang ikaw ang mahilig gumawa ng surpresa, nagpatulong ako sa kanila."

Nagkikislapan ang mga mata nitong napatitig sakin.

"All of the most important people in my life are either here in this room, or keeping me in their thoughts. That's the best birthday present ever." Aniya na parang nanggigilid na din ang mga luha na babagsak na anumang oras.

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nito at nagsalita.

"Walang iiyak sa birthday mo, kahit pa tears of joy."


***

Maganda ang panahon ngayon para mamasyal dito sa lawa.

Hindi masiyadong mainit, katamtaman lang, mahangin at maaliwalas. Naisipan namin na gagawa kami ngayon ng saranggola ni Cece.

Gusto ko maranasan na lumikha kami ng isang bagay na magkasama kaming dalawa.

Wala man kaming karanasan sa paggawa nito pero alam naming matatapos namin ang saranggola na gawa lang ang papel,sinulid, stick at pandikit.

Nagsimula ng gumawa si Cece.

Nagsulat naman ako sa sticky notes na ididikit namin sa saranggola kapag natapos ito ng tama at mapalipad namin.

Isinulat ko doon ang mga pangalan naming dalawa at ang gusto naming gawin pagnakalabas na muli si Cece.

At random moments pinupuri niya ang gawa ko, mga salita tulad ng nice and neat and sweet.

Pakiramdam ko na ang lawa at ang magandang panahong ito ang nagpapakawala sa kanya sa kulungan na kanyang binuo dahil sa masasama niyang nakaraan.

I always felt...maybe hoped.

Na sana magtatagal ang mga sandaling katulad nito.

Nang matapos na ang di gaano kalakihang saranggola ay sabay kaming nagcheer at natuwa.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon