Chapter Fourteen

24.5K 743 353
                                    

Life doesn't always make sense and I don't think its such a bad thing.

Everything worth anything is both terrifying and beautiful, like the first time you do something you know is wrong, you know it's wrong and yet, you do it anyway.

No matter what you do it feels like a snow globe, often it's prettiest after it's been turned upside-down...

Maybe nothing lasts forever. So forget the future..lets live in the moment...

--- Cc



  
***


Monday, 11:11 pm

Napatitig lang ako sa digital clock, sabi nila pag 11:11 pwede kang magwish at nagkakatoo daw yun, pero wala pa naman akong maisip na wish ngayon kaya sa 11:38 na lang ako siguro magwiwish.

Pero minsan hindi din binibigay sayo ang  mga bagay na hihilingin mo dahil may ibang bagay talaga ang nakaplano na ibibigay sayo sa takdang panahon.

Napabangon na lang ako sa hinihigaan ko at napatingin kay Emily.

Gusto ko ng may makausap ngayon. Napabuntong hininga naman ako at lumapit sa higaan niya.

"Emily.. " Yugyog ko sa braso niya.

Gumalaw naman siya at agad na humarap sakin ng nakapakit pa rin. Namamasa pa ang pisnge niya kaya napakunot ako ng noo.

Naglalaway pala to pagtulog. Niyugyog ko ulit ang balikat niya.

"Uhhh.. " Halinghing niya habang nakapikit pa ang mata at pinahid ang bibig niya na naglalaway.

"Emily...." Sinundot ko ang ilong niya. Napatawa naman ako habang ginawa yun.

Hmmm may itsura din pala si Emily...

Kapag tulog!

De joke maganda naman si Emily kahit medyo burara matulog nakataas pa ang damit.

Binaba ko agad ang lalayan ng damit niya para takpan ang nakalabas niyang tiyan.

"Uhhh..." Haluyhoy ulit niya.

"Emily...." Ayaw talaga magising kaya sinundot ko naman ang tagiliran niya.

"....." No response.

Walang epekto wala atang kiliti ang babaeng to.

"Emily!" Niyugyog ko na ng malakas ang braso niya.

Dun na siya nagising.

"Uhh Pandoro Bakit?" Napamulat siya na naniningkit pa ang mata niyang nakatingin sakin.

Ngumisi lang ako.

"Ano kasi may itatanong ako sayo" Napakagat ako ng labi.

Ang dami talagang bumabagabag sakin at agam-agam ngayong gabi.

"Buntis ka?!" She blurted. Nanlalaki pa ang mata niya at napatakip ng bibig.

Tss! O.A din ng isang to.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sabi ko may itatanong hindi may sasabihin hays!" Sabi ko.

"Ano nga? Di ka pa ba inaantok?" Humikab siya.

"Hindi ako makatulog eh, " Sagot ko at umupo sa gilid ng kama niya.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"Iniisip mo si Cecelia ano?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni Emily.

Tama siya, hindi talaga maalis sa isip ko si Cecelia.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon