Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo sa pag-asang tantantanan niya na ako pero hindi parin eh.
Tumungo ako sa playground at umakyat ako sa slide na alam kong hindi niya na akong kayang mahabol.
Sumusunod parin siya sakin. Salamat na lang at hindi na siya makaakyat ng slide. Hinihingal na ko sa sobrang pagod at takot na baka maabutan niya buti na lang paj at hindi na siya makaakyat pa.
Arrf! Arrf! Arrf!
Malakas na tahol niya ayaw niya parin akong tantanan dahil sa hawak kong pagkain. Baka kagatin niya rin ako pagbumababa ako. Bahala na basta hindi ako baba dito hanggat di pa siya umaalis.
"BLEEH!" Binelatan ko siya at kinain ko na yung hamburger ko. Pero hindi parin talaga siya umalis.
Arrf! Arrf! Arrf! Grrrrr!!!
Nakakatakot parang asong ulol ang isang to pinipilit niyang tumalon at umakyat ng slide pero di niya parin ako maabot pero ng akma siya umakyat ng slide muntik niya na ako maabot pero naislide lang siya. Nakakatakot parin kaya sumigaw na ko.
"Waaaaa Tulong!!"
Malakas na sigaw ko wala pang tao dito sa playground kasi gumagabi na, nang may makarinig na ako ng sigaw.
"PANPAN!!"
Si Tintin yun ah! Nakita ko siyang tumatakbo papasok ng playground nakasuot siya ng malaking t-shirt na parang naging bestida na niya tapos baliktad pa yung suot niya sa kanyang tsinelas.
"Tintin tulong! Tinataholan ako ng aso ayaw akong tantanan kahit kinain ko na yung burger ko!" Sigaw ko. Parang mangiyak na ko sa sobrang takot.
Lumapit na siya papunta ng kinaroroonan ko. Naku baka kagatin siya ng aso. Napalingon agad sa kanya ang malaking aso ng makalapit na si Tintin.
"Hoy aso ako ang harapin mo!" Sigaw niya habang nakakuyom ang pareho niyang mga kamao at nakakarate posing pa.
Warff! Arff! Arggh! Arrf!
Tinaholan din siya ng malakas ng Aso pero di siya tumakbo. Pumulot siya ng malaking bato sa lupa malapit sa kanya.
"Tintin mag-ingat ka!" Sigaw ko kay Tintin nang tangka siya lapitan ng Aso.
"Kame kame wave!!!" Sigaw niya sabay bato sa malaking aso. Natamaan yun sa ulo kaya umungol na tumatakbo yung aso palayo samin.
Hay salamat. Napabuntong hininga ako saka napaupo sa ibabaw ng slide.
"Panpan diyan ka lang.." Umakyat si Tintin sa slide at tinabihan ako sa pag-upo.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sakin ni Tintin. Namumula ang pisnge niya at ang mga mata niya parang nagliliwanag na parang araw.
"Oo grabe nakakatakot yung aso na yun ah parang monster"
"Don't worry Panpan, ako ang bahala sa asong yun! Yah!" Sumuntok suntok pa siya sa hangin.
"Ah Tintin salamat ha" Ngumiti ako sa kanya ng malapad. Okay lang kahit bungi ako at kulang ng isang ipin pag si Tintin ang kasama ko wala akong pakealam kung may kulang man sakin o kahit wala akong isang ipin.
"Wala yun, friends na tayo di ba? Ikaw din yung Alice ko" Ngumiti din siya at wala ding pakealam sa bungi niyang ngipin sa harap. Mas naging cute pa siya lalo kapag ngumingiti.
Lumapit pa ko ng konti sa kanya kasi ang bango pala niya at para siyang amoy apple?
Kahapon amoy cherry siya ah.
Ugali ko na talagang amoyin si Tintin kapag magkasama kami pero di niya alam na inaamoy ko talaga siya.
"Para kang Fruitcake?" Napalingon sakin si Tintin.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...