Parang isang alamat na ang mga bagay na kapag nakikita natin, ay lumilinaw tuwing umaga. Every time na gigising ako, ang mga masasamang panaginip ay dumidilim, naglalaho.
Hindi na ko bumalik pa sa pagtulog, gusto ko lang mahiga sa kama kasama ang taong gusto kong makita tuwing gigising sa umaga, I just lay beside her, absorbing the surroundings . Sa kwarto niya. Pinagmasdan ko ang paligid. Meron pa rin siyang bookshelves dito. Walang closet doors, but the space was packed with her clothes. Napatingin ako sa orasan, saktong 6:00 am. Saka napatingin din ako sa malaking salamin na nakasabit sa pader na may stickers na nakadikit; kulay pink na heart, rainbow hearts, unicorns, at lightning bolts. Nabaling naman agad ang paningin ko ng maramdaman ko ng nagigising si Cece sa tabi ko.
"Goodmorning," Bati kong bungad sa kanya. Pinagmasdan kong kinusot nito ang mga mata niya di ko naman napigilang pahagikgik dahil ang cute niyang tingnan, at lalo pa gumanda ang simula ng umaga ko nang mapatitig ako sa mga mata niya.
Ang ganda talaga ng Girlfriend ko.
Girlfriend.
Yes girlfriend ko ang binuhusan ng Diyos ng kagandahan at kakyutan, at nasalo niya yung lahat. Di ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Goodmorning Sunshine," Bati nito sa antok niya pang boses. I find it sexy ng marinig ko ang bedroom voice niya. Napasiksik naman agad ako sa leeg niya at nalanghap ko ang fruity scent nitong nakakaadik, di nakakaumay amoyin at ang sarap...
Jusme Pandora, wag ka nang magbalak mag-isip ng kaberdehan kay aga-aga nilulumot ka na.
"Feeling ko nasa bahay lang talaga tayo," Bulong ko sa pagitan ng leeg niya.
Haay namimiss ko na tuloy umuwi malapit na rin pala ang off ko.
"I really felt home with you Panda," Naramdaman ko ang paghaplos niya ng buhok ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng ginagawa niya, aaminin kong kahinaan ko din ang paghaplos niya ng buhok ko.
Napabangon ako ng bahagya at napatingin sa kanya habang nakahiga pa ito.
"Sabay na tayo magbreakfast," Nakita ko ang pagpout niya, kaya di ko na napigilan ang sarili ko na dampian siya ng halik sa labi.
"Panda...Gusto ko pa gumulong sa kama kasama ka," Tumawa lang ako pero hinawakan n nito ang bewang ko saka hinatak dahilan para pumaibabaw ako sa kanya.
"Ay!" Napatili ako.
Ngayon ay nakapatong na ako sa katawan niya. Nakangiti lang to sakin ng bigla niya akong kilitiin.
"Cece!
Para tuloy akong kiti-kiti sa ibabaw niya.
"Tama na! Ay!" Awat ko. Di ko na kaya, isa pa parang natuturn on ako sa ginagawa niya dahil sa posisyon.
"You're so ticklish," Bulong nito sa tenga ko dahilan para mapatayo ang bawat balahibo ko at pag-dalayo ng dugo ko papunta sa mukha.
"Cece..." Napatitig ako sa mukha niya. It was as if my eyes were a camera and I was photographing the moment with Her, knowing that I would keep the photograph forever.
"Panda..." In her huskier voice. Hindi ko na din namalayan pa ang oras kapag kasama siya I didn't care because what mattered is that Cece's voice felt real. At nararamdaman kong totoo to. Until Cece, being with other people was the hardest thing in the world for me. But Cece made talking and living and feeling seem like all those things were perfectly natural.
Naramdaman na lang namin ang pagdampi ng mga labi namin sa isa't isa.
"Oh Pandora, bakit di ka na naman umuwi kagabi at---Oh hi Cecelia!" Parang gulat na pagbati ni Emily ng makita niyang kasama ko si Cece pumunta sa room namin.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...