TRIGGER WARNING ⚠️: PROFILE PIC NG AUTHOR
---
They contend that while we are in love, we frequently fail to see a person's flaws. That is the absurd side of it. There are times when the worst person in the world is the best person for your unique perspective. I did think about that.
People say that love is not blind, it sees, but it doesn't mind, right?
And who exactly am I? That is the main conundrum, I see. My life is like a mirror; if I grin at it, it will return the favor.
Fiction is a crucial component of life; it allows me to view the world through the wrong set of binoculars.
Which is what I do, and it allows me to laugh at the facts of my existence.
Minsan laging nasa isip ko, magandang tumakas na lang talaga sa realidad kung saan makakapunta ako sa ibang mundo ng ako lang...pero nang makita kita nabago ang lahat. Akala ko ang paraiso ay isang lugar, nagkamali ako. Dahil nasa tabi ko na pala mismo yun.
It's you.
--- Cc
***
"Cece.." Nilingon niya ako habang naglalakad na kami pabalik ng Sanctuary na patungo din South building. Madilim na din sa buong paligid. Natapos na ang Sunset naming dalawa ni Cece.
"Panda, sana makasama ulit kita" Sabi niya ng makalabas na nga kami sa kakahuyan.
"Pandora!!!!"
Boses yun ni Emily, nakita din namin na may mga taong papalapit samin ni Cece dahil sa may mga dala silang nagliliwanagang mga flashlights.
"Nandiyan na sila.." Sabi ni Cece, agad ko naman natanaw si Emily na kasama ng mga nurse.
"Ayun siya, nakita na namin sila! " Sigaw ng isang lalaking nurse ng makita kami.
Nakita agad kami ng iba na papalapit na sa kinaroonan namin ni Cece.
"Emily.." Tawag ko kay Emily nang makita niya ko na lumakad naman agad papalapit samin ni Cece.
"Pandora!"
"Cecelia" Hinawakan ko ang kamay ni Cece.
Ayoko ikulong siya dun, baka mas lalo siyang mahirapan, naalala ko ang sitwasyon ng mga pasyente baka hindi yun magustuhan ni Cece. Baka hindi niya kayanin at ayoko siyang makitang nahihirapan.
"Panda.." Tumingin si Cece saking saka hinigpitan ang paghawak sa kamay ko na parang ayaw na niya akong pakawalan na parang isa akong mahalagang tao na ayaw niyang mawala.
"Cecelia!" Sigaw ng isang nurse.
"Kunin niyo na siya!" Agad hinawakan nila sa magkabilang braso si Cece dahilan para mabitawan ko ang kamay niya. Nakaramdam ako ng lungkot.
"Pandora! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?!" Niyakap ako ni Emily at suno-sunod na tinanong.
"H-hindi naman Emily" Sagot ko sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman may pag-aalala sa mukha ni Emily.
"Turukan niyo na ng sedatives si Miss Mendez" Utos ng isang nurse sa mga nurse na lalaki na nakahawak sa pagkabilang braso ni Cece.
"Wag! Hindi naman nagwawala si Cece" Agad na pagpipigil ko sa isang nurse na tuturukan si Cece.
"Hindi niya ako sinaktan" Paliwanag ko sa mga nurse pero parang hindi din naman nila ako pinapakinggan.
Abala sila sa pageexamine kay Cecelia.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...