The ties that bind us are sometimes impossible to explain. It's like the more you run away the more you are pulled in. They connect us, even after it seems like the ties should be broken. Some bonds defy distance, and time, and logic. Because some ties are simply... meant to be....
~~~~~
"You sure you can't eat more?" Tanong ng Vivi ng hawakan niya ang kamay ko.
"Hindi na, busog na ko,"
Nagkagat labi itong nakiusap "Try. Please."
Tiningnan ko ang pagkain sa pinggan. Gusto ko siyang matuwa kaya kinuha ko ang tinidor saka tumusok ng manok.
Pero nagkaroon ng tremor ang kamay ko kaya nalaglag ang tinidor.
"Hindi ko kaya,"
Hindi ko kayang tingnan si Vivi. The pain clouding her eyes would make my heart ache more than it already did..
"Okay lang yan Anak," Narinig kong nagsalita si Mama. Kinuha nito ang pinggan sa tray. "Ililigpit ko lang to, Ah Cornelia ikaw na muna bahal dito kay Dora ha"
"Yes tita,"
Hinalikan ni Mama ang noo ko bago ito lumabas ng kwarto.
Nagbuntong hininga lang si Vivi at hinawakan ang kamay ko. She draped her arm around my shoulders at hinatak ako papalapit sa kanya.
"Vivi, kamusta kayo ni Phoebe?" Biglaang tanong ko.
"We broke up," walang ganang sagot ni Vivi.
"Huh? Kailan pa?"
"Let's not talk about it now Panda," Saka nagbuntong hininga.
Hindi na ko nagtanung pa. Pinagmasdan ko lang si Vivi alam ko deep down apektado ito sa paghihiwalay nila. At siguro, the main reason why couples break up is because they've lost the reason why they ended up together...
Kami kaya ni Cece?
"Panda?"
"I don't think mabibigyan pa ako ng chance," I murmured.
Narinig yun ni Vivi kaya nagsalita ito. "Life always offers you a second chance Panda...it's called tomorrow"
Tahimik lang kaming nakaupo habang pinapakinggan ang aming paghinga. Her heartbeat soothed me, parang nakakarelax pakinggan.
Pagkatapos ay sumakit ang ulo ko. Parang biglang nakaramdam ako ng panghihilo at namalayan kong tumutulo na naman ang mainit na likido sa ilong ko. Nakita yun ni Vivi kaya dali-dali itong kumuha ng tissue.
"Panda," Bulong ni Vivi. "Natatakot ako."
Huminga ako ng malalalim at hinawakan ang braso niya, iniyakap ko yun sa dibdib ko.
"O-okay lang to," Huminga ako at ngumiti sa kanya.
Just close your eyes, Panda.. and pretend it's all a bad dream.. that's how you can get by..
Sumakit na naman ang likod ko, saka ako humiyaw sa sakit at napahiga. Sa malayong distansya naririnig ko ang pamilyar na boses ni Cece na tinatawag ang pangalan ko. Over and over again, her voice pierced into my heart.
Parang ang layo na naman niya.
Sumigaw muli ako at napahiga na lang sa kama.
~~~~
*Beep Beep Beep*
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...