May pag-aatubil pa akong lumabas sa passenger seat ng kotse.
Ang totoo, hindi gaanong bukal sa kalooban ko ang naging desisyon nila Mama at Papa sa paglipat ng subdivision.
Ayaw ko sanang lumipat ng bahay dahil sa mga friends kong naiwan sa dati naming bahay sa batangas.
Ayaw ko mang lumipat kami pero kasama yata iyon sa pagbabagong dulot ng magandang takbo ng negosyo nila Papa.
Nang makababa ay muling pinagmasdan ko ang bago naming bahay, pakatapos ay ang paligid. Parang hindi ako masasanay dito.
Nag-aalala ako baka hindi ako makakita ng new friends sa lugar dito.
May palagay akong pulos sosyal din ang mga nakatira sa subdivision.
"Dora, ano pa ang ginagawa mo riyan? Ipasok mo na ang mga gamit mo. Alam mo naman kung alin ang gagamitin mong silid, di ba?" Tanong sakin ni Mama.
"Opo, Ma" Kinuha ko ang mga gamit ko sa kotse at naglakad na papasok ng bahay.
Dumerecho na rin ako ng kwarto sa ikalawang palapag. Malaki ang kwarto ko ngayon mas malaki sa dati naming bahay.
Inilapag ko muna ang bag ko saka binuksan ang bintana.
Sa tapat ng bintana ko matanaw ko ang kaharap na bahay.
"Nagustuhan mo ba ang ayos ng silid mo?" Napalingon ako kay Mama na inaayos ang gamit ko para ilagay sa cabinet.
"Opo, Ma. Maganda" Sagot ko.
"Ah Ma, Pwede po ba akong lumabas muna? May nakita kasi akong playground malapit dito eh" Ngumiti ako kay Mama.
"Oh sige pero wag kang lalayo baka maligaw ka, hindi mo pa kabisado ang buong lugar dito at wag kang makikipag-away ha Pandora" Aniya habang abala sa pag-aayos ng gamit ko.
"Mama naman good girl po ako promise" Sagot ko.
"Oh sha Sige, mag-iingat ka dun"
"Opo Mama" Lumabas na ko ng kwarto at sa paglabas ko ng bahay ay tumungo na ko sa playground na hindi naman kalayuan.
Malawak ang playground.
May mga ibang bata na rin ang naglalaro. May nakita ako isang batang babae may kulay chocolate ang buhok na nakaupo sa swing.
Ang ganda naman ng kulay ng buhok niya.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kabilang swing.
Napalingon naman siya sakin.
'Wow ang ganda din ng mata parang amerikana. Baka English speaking to.'
Pero di ko rin maiwasang pansinin siya.
"Hi" Nakangiting bati ko sa batang babae may chocolate hair.
"Hello, bago ka dito?" Nakangiting tanong niya. Tumango lang ako.
Ang ganda ng ngipin niya, sakin kasi hindi kakabunot lang kasi ng isa kong ngipin sa harap kaya bungi pa ako.
Nahiya tuloy ako ngumiti ulit.
"Ako nga pala si Vivi, Anong pangalan mo?" Pakilala niya.
"Pan---" Hindi ko natapos ang buong pangalan ko dahil may biglang sumigaw.
Napatingin ako sa mga grupo ng tatlong batang babae at parang may ginagawa sila sa isang maliit na batang babae.
Hindi ko makita ang kanyang itsura nakapalibot kasi sa kanya ang ibang mga bata.
"Ate Vivi!!! Ate Vivi!!" Sigaw ng batang maliit.
Napatayo naman agad si Vivi saka tumakbo para saklolohan ang maliit na bata na malamang inaaway ng tatlong batang nakapalibot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...