Chapter Twenty Five

16.1K 560 440
                                    

Naisip ko ang mga peklat ay parang mga sugat ng pakikipagdigma--magandang tingnan sa ibang paraan.

Pinapakita kung ano ang mga pinagdaanan mo at kung paano ka naging matatag sa dinanas mong sakit galing sa mga sugat na yun na naghilom.

A scar is a symbol of having experienced something profound.

Some of us have physical scars that we can see na kapag tinitingnan natin, pinapaalala nito kung ano ang napagdaanan nating hirap.

But for many of us the scars are invisible--they are metaphors for a battle we fought and overcame.

So, reflect on your scars kung paano ka nito natulungan na hulmahin sa mabuting paraan bilang isang indibidwal.

Kung ano ang pinagdaan mo sa buhay, masama man o mabuti, don't take it for granted.

There are lessons in every moment of our lives.

--- Candice Hernandez


***

"Judgmental"

Biglaang pahayag ni Klaudia habang nakatutok sa kanya ang hawak nyang video camera.

Kasalukuyan kaming nasa dating kwarto ni Cece na di pa naman occupied. Kasama din namin sina Sam, Aries at Candice sa loob.

Actually, napag-isipan naming magbonding lahat, at pinakilala ko din kay Cece si Candice at mukhang nagkakasundo naman sila.

"I considered the word judgmental. The mental state of always judging." Pagkatapos mag-speech ni Klaudia ay itinutok niya ang camera sa amin.

Kumaway naman si Sam at Aries at ngumiti sina Cece at Candice.

Ako nagtataka parin kung ano na namang trip ang pinanggagawa ngayon ni Klaudia.

Isa pa di ko rin alam kung saan niya nakuha ang video cam na hawak niya ngayon.

"Kung sino pa nga yung matino ang pag-iisip sila pa yung makitid ang utak." Sagot naman ni Samantha.

Napalingon naman kami agad sa kanya kumakain pa ito ng lollipop na kulay pula at kahugis ng puso. Namumula na tuloyang bibig nito.

"What can you say Ms. Pandora Del Rio?" Itinutok niya sakin ang camera pero agad ko naman yun tinakpan ng kamay ko.

"May point, pero para saan ba yan?" Tinanggal naman ni Klaudia ang kamay ko.

"I'm making a documentary dito sa loob ng LDV. Isn't amazing?" Ngumiti ito ng malapad, tumango naman ng pag sang-ayon ang lahat.

What the?

"Okay?" Tiningnan ko si Cece at nagkibit balikat lang.

"Ikaw Ms. Cecelia Cristine Mendez, what can you say?" Tanong ni Klaudia kay Cece habang nakatutok na sa kanya ang nirerecord na video ni Klaudia.

"Nothing" Maikling sagot niya. Inoff ni Klaudia ang camera.

Lumapit naman agad sakin si Klaudia at bumulong.

"Nawala na ata sense of humor niya nung gumaling siya"

"Klaudia!" Saway ko pero muli na naman ito nagrecord ng video sa itinutok kay Candice.

"What can you say about Judgemental Ms. Candice Hernandez?" Tanong nito habang nagvivideo.

Sumulat naman agad si Candice sa kanyang dala na maliit na whiteboard.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon