Nakakatuwa, na karamihan sa mga tao ay magkakaroon ng kasama sa buhay nila at kalaunan sisimulan na nilang mahalin at hindi nila alam mismo kung paaano eksakto iyon nangyari.....but I knew the very second it happened to me. Too.
And sometimes you will never know the value of a moment until it becomes just a memory......
Sa buhay hindi pinapakilala sayo ang mga taong gusto mo lang makilala.
Minsan ang buhay ay nilalagay ka sa lugar kung saan makakasama mo lang ang taong kailangan mong makilala---para tulungan ka, saktan, iwanan, mahalin at gagawin kang maging malakas at matapang bilang maging isang taong hinulmang maging ikaw.
--- P
***
"Sammy"
Tawag ni Aries ng pumasok na kami sa kwarto ni Sam.
Ito yung unang beses na makakapasok ako sa kwarto ni Sam o sa ibang patient kaya ang una kong pinagmasdan ay ang paligid.
Kompleto din ang gamit sa kwarto niya gaya ng kwarto ni Cece pero ang pinagkaiba lang ay magulo ang loob ng kwarto ni Sam.
Nagkalat ang mga gamit sa sahig lalo na ang mga damit.
Napatingin ako sa nakaupong si Samantha sa kama. Hawak niya si Daphne Melinda Robin at parang tulala lang ito, mapapansin din na kakagaling lang ito sa pag-iyak medyo marungis na din ang suot niyang pajama at may mga mantsa na ng kung anong dumi.
Tiningnan lang kami ni Samantha, pero hindi siya makatingin kay Aries kundi kay Cece lang nabaling ang atensyong niya.
Ngumiti lang ito ng makita si Cece pero agad din ito na napayakap ulit ng mahigpit si Daphne Melinda Robin.
Ang pink na pugita niyang stuff toy.
Napatingin ako kay Cece, kahit na parang wala lang itong pakialam 'minsan' kay Sam kapag mag-kasama sila at madalas niya ding asarin, nababakas parin sa mga mata ni Cece ang pag-aalala kay Samantha.
Makakabuti din na isinama siya namin dito para tulungan na magkaayos sina Aries at Sam.
Nang lapitan na siya ni Aries ay napatigil din ito ng sumigaw bigla si Sam.
"Go away!" Ikinagulat din namin iyon.
"Sammy please..." Pakiusap ni Aries.
Napaluhod ito sa gilid ng kama na kinauupuan ni Sam.
Naisip ko tuloy ang layo-layo ng inaasahan kong mga pangyayari na magagnap at masasaksihan ko sa pagtatrabaho ko dito sa LDV.
Inaasahan kong makakaharap ko ang iba't ibang mukha ng mga pasyenteng may problema sa katinuan o malaman ang kwento nila, pero higit pa roon natagpuan ko rin ang sarili ko mismo.
Ang sarili ko (not literaly kasi creepy na yun) and what I mean is, my own truth.
Gaya nga ng sinabi ko din kay Emily.
Pero bonus na lang nang matagpuan ko si Cece at makilala ko siya dito na iminulat ang isip ko sa mga bagay na hindi mismo makikita ng iba sa sarili nilang mga mata.
Pinalago niya ang kapangyarihang ng akin imahinasyon, na lahat ng bagay may kahulugan habang ako'y nabubuhay.
Lahat ng bagay magka-ugnay at pantay.
"Samantha" Napalingon ako kay Cece nang magsalita ito.
Lumapit na rin kami kay Sam.
Napatingin si Cece kay Aries at nilapitan niya ito.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...