Yung kapag umiyak ng todo ang isang tao at sumasakit na ang lalamunan nila.
Yung malaman na kahit ano ang man ang gawin mo o tangkain na baguhin ang sitwasyon.
Yung kapag pakiramdam mong kailangan mo na talagang umiyak, kapag gusto ng kumawala ng bigat para gumaan ang nasa loob mo
That is true pain.
Because no matter how hard you try or how bad you want to, you can't.
That pain just stays in place.
Then, if you are lucky, one small tear may escape from those eyes that water constantly.
That one tear, that tiny, salty, droplet of moisture is a means of escape.
Although it's just a small tear, it is the heaviest thing in the world.
And it doesn't do a damn thing to fix anything.
So If you choose to be sad then you will be sad but there times you don't know why you're sad. Tears start flowing from your eyes...
--- Cc
***
"Good evening, Miss Tina"
Bungad ko nang saktong lumabas si Miss Tina na care giver ni Cece sa kwarto niya.
"Oh Pandora ano nangyare bakit ang dungis mo?" Tiningnan ako ng nagtataka ni Miss Tina. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ah eh, nadulas lang" Ngumiti ulit ako. "Si Cecelia po?"
"Ayun, hindi kumain pinilit ko ayaw, baka sinusumpong na naman ang batang yun hindi na naman makausap at tulala. Puntahan mo nga at icheck baka sayo lang susunod yun eh, dun lang ako sa food lab, tawagin mo ko pag aalis ka na ha" Tumango naman agad ako.
"Sige po Miss Tina"
Nagpaalam na si Miss Tina at pumasok na agad ako ng kwarto para makita at makausap si Cece.
Nadatnan ko siyang nakatalikod at nakatayo lang sa harap ng nakabukas na bintana. Nililipad ng hangin ang buhok niya.
Huminga ako ng malalim at marahang naglakad papunta sa kanya. Hindi din siya siguro aware na nandito ako kasi hindi man lang siya lumingon.
"Cece..." Mahinang tawag ko nang makalapit na sa kanya.
Ilang sandali ay napalingon siya sakin. Namumula ang mga mata niya ganun din ang kanyang pisinge na malamang kagagaling lang sa pag iyak.
Tiningnan ako ni Cece bakas sa expresyon ng mukha niya ang kalungkutan dulot ng nakita niya kanina sa ginawa sakin ni Klaudia.
Tiningnan niya lang ako pero agad din niyang binawi ang mga titig niyang yun ng tumalikod siya at humarap ulit sa bintana.
Hindi ko alam ang gagawin ko. She was uncertain. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya o ang mga iniisip niya ngayon para siyang libro na kailangan ko pang basasin, ang mahirap lang na parte ay yung unawain ang bawat detalye.
Masiyado siyang malalim at malayo sa realidad, pero isa lang ang alam ko. Nasaktan siya, nasaktan siya sa nakita niya.
Nasaktan ko siya.
Hinawakan ko ang kamay ni Cece ngunit hindi niya parin ako hinarap.
"Cece...Please kausapin mo ko"
Nakikiusap ang boses ko na parang may bumabara pa sa lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...