Chapter Five

32K 1.1K 403
                                    

I wonder occasionally if what I see is the same as what everyone else sees. But that doesn't matter to me because I don't want to reveal what I'm seeing to anyone else.

because at this precise time, all I could see was the lovely you. There are some feelings that only you can create, including the satisfaction of my being and the grin that can only be seen on your lips and twinkle in your eyes.

I don't want anyone to see it or have it, so. I therefore don't want anyone to see it or possess it.

--- Cc


***



Totoo ba talaga ang sinasabi na nila na kapag ang first kiss mo ay magkaroon ng sparks o fireworks moment ay iyong tao na ang natakda para sayo?

Pero paano kung hindi lang sparks ang naramdaman ko o higit pa sa fireworks dahil parang nuclear bomb ang pinasabog sa paligid sa mga sandaling una ko naibigay ang first ko sa isang tao at sa babae pa mismo.

That have the same body as mine.

Pero isa lang ang tanong ko na nasa isip ko sa ngayon.

Tama ba to?

I seem to have run in a great circle, and met myself again on the starting line.

I just stared at the ceiling quietely habang nakahiga sa higaan ko.

Yumayakap lang sakin ang kadiliman sa kwarto namin ni Emily, pinapakiramdaman ang bawat tibok ng puso ko kasabay ng mahina kong paghinga with a rythmic melody of my ears to listen and sooth my mind.

I'm doing my best na makatulog, at hating gabi na pero binabagabag parin ako na isipin ang nangyari kanina.

Hindi parin maalis ang pakiramdam ko ngayon sa mga labi ko, parang nanatili yung bakas ng sandaling nararamdaman ko parin ang pagdampi ng malambot na labi ni Cece.

Nakahiga lang ako sa aking kama ng ilang oras pero di parin ako dinadalaw ng antok as much as I begged for it to come pero nanatili parin akong gising.

What if confused lang ako?

Hindi ko alam.

Do I really like her?

Hindi ko alam.

Did I Like the kiss?

Maybe.

Did I want it to happen?

Maybe.

Napahinga na naman ako ng malalim.

Kahit yung mga tanong ko walang kasiguradohan, walang final answer.

Pero bakit ko pa kwinekwesyon ang sarili ko?

o maybe nandiyan lang talaga ang sagot kasi ako lang mismo ang nakakaalam sa sariling kong pagkatao.

Kailangan ko lang alamin at hanapin sa sarili ko mismo ang kasagutan.

Minsan pag ikaw na talaga yung nasa totoong sitwasyon hindi mo rin talaga alam ang gagawin mo o baka alam ko na talaga ang sagot sa katanungan ko pero ang isip ko lang mismo ang nagpapagulo sa problema ko.

Patuloy parin ako sa pag-isip hanggang sinakop na ng kadiliman ang paningin ko at mahimbing ng nakatulog.

Narinig ko na yung alarm ringtone ni Emily, wala bang mas magandang ringtone?

Halatang cherry mobile yung cellphone ni Emily dahil sa kanyang alarm ringtone.

Nag-unat muna ako saka bumangon na at kumilos na para maligo at mag-ayos.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon