Thursday 6:07 am
Nagising ako at pawisan na ang sulok ng leeg ko at noo dahil sa nagkaroon ako ng masamang panaginip kung saan hinahabol ako ng mga zombie sa highway.
Nakapaa lang ako habang tumatakbo, sinubukan kong lumiko-liko sa mga nakaparadang sira at mga wasak na kotse sa daraanan at patalon-iwas sa mga nakahandusay na lang na bangkay ng mga tao sa paligid.
Parang katulad yun ng bangungot noong bata pa ako kapag nanunuod ako ng mga horror o slash movie bago matulog.
Ang bigat ng katawan ko ngayon pero wala akong nagawa kundi pwersahin ang katawan ko na bumangon at kumilos para pumasok.
Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko ng gising si Emily.
Nakaupo ito sa kama niya at nakayuko na feeling ko may niriritwal siyang ginagawa.
Napalingon siya sakin ng magsimula na akong magbihis hindi ko alam kong maiilang ako dahil nakatitig siya sakin napatigil naman ako sa pagsuot ng underwear nang ngumisi siya at bigla din akong kinabahan.
Holy sheet of pad paper! Wag niyang sabihin na pinagnanasahan niya ko.
Oh NO!!!!
Nanlaki naman ang mata ko sa kanya at nagsalita na nga si Emily...
"Pands, may napkin ka ba diyan? Penge naman isa lang. Psh! ngayon pa kasi ako nagka redtide." Atungal niya.
Nakahinga ako dun ng maluwag. Tumawa lang ako.
"Meron nasa drawer kumuha ka na lang.." Turo ko sa kanya at nagsimula na ulit akong magbihis.
"Salamat" Ngumiti ito at dali-dali kumuha ng napakin saka pumasok na ng banyo.
Haaaay grabe na talaga mga naiisip ko nakakatimang.
Pagka-Time in ko ay dumeretcho na ko sa room ni Cece at nadatnan ko na agad sila Aries at Sam sa kwarto niya. Hindi na ko nagtaka kasi mayroong spare key si Sam sa kwarto ni Cece.
Dahil nga nasa labas ang lock nito kaya hindi rin malayang makakalabas-pasok ang patient pag gusto nila.
Maliban lang kay Klaudia na may mala-akyat-bahay gang na gawain para makalabas-pasok.
Yun lang hindi ko alam kung alam to ng ibang nurse o ni Miss Fin.
Nagtataka din ako dahil mabibilang lang ang patient na may sariling kwarto at yung iba ay room space.
Baka may status category dito?
At VIP ang mga katulad nila ni Cece, Sam at Klaudia.
Mga mayaman talaga.
"Pandora bakit ang tahimik mo??" Puna ni Aries.
Ngumiti lang ako ng matamlay sa totoo lang hindi masiyado maganda ang pakiramdam ko dahil sa masamang panaginip ko kanina.
"Medyo sumama lang ang pakiramdam ko kaninag umaga Aries," Huminga ako ng malalim.
"Okay ka lang ba?? Ako na bahala kay Cecelia magpahinga ka muna" Umiling ako
"Okay lang ako, mawawala din to"
"Kaya mo ba?? Para kang Zombie e, di ka man lang nagmake up,"
Kinilabutan naman ako kasi di parin ako nakaget-over sa zombie thing na naging panaginip ko kaninang umaga.
"Sabagay maganda ka parin medyo Haggardo Versosa lang ang peslak mo ngayon" Ngumiti siya.
Nakuha naman ng paningin ko ang hawak ni Aries, maliit na key chain stuffed toy na Winnie the Pooh.
BINABASA MO ANG
Fruitcake Sanctuary (GL)
RomanceSi Pandora Del Rio ay isang registered nurse na magduduty sa Luna De Vista Mental Institute. Isang sanctuario kung saan ang mga babaeng wala na sa katinuan at sariling pag-iisip ang kanilang inaasist at inaalagaan ng mga katulad niyang nars. Sa kany...