*ANGEL'S POV*Freedooooooom ! Yuhooooo..
Masaya ako ngayon, alam nyo bakit?
Hindi pa ninyo alam kasi nga hindi ko nabanggit. At lalong hindi rin nabanggit nung author..
Okay na kasi kami ni Jeux. Back to normal na kami. Katunayan nga magkasama na kami ngayon sa bora. party para sa pagtatapos ng sem. Ganito kasi ang policy ng school, every end of the school year, may party na mangyayari. Supposed to be, si Kian at Russel pati Lexy ang kasama ko kaso wala si Kian kasi may event na kelangan nyang puntahan abroad. Busy ang taong yun e haha. Okay naman din kasi kami. Nag s-skype nga kami nun everyday kinukumusta ako. Parang boyfriend ko lang e. Sweet naman sya tsaka gentleman kaso walang spark. Okay back to Jeux ang peg.
Hindi kami sabay papunta dito. Nag plane kami ni Lexy, mga schoolmates ko naman, commute hehe cheap nga e. Pero okay lang, ayaw ako payagan ni dad mag commute kahit gusto ko. Para thrill sana.
"Bebeeee..." Tili ni Lexy ng pabalik na sya sa waiting area dito sa hotel na tutuluyan namin. Makabasag eardrums at tympanic membrane naman kung makatili ang babaeng to. Parang hindi edukada. Hindi na nahiya kay Jeux. Sabagay, kay Russel lang naman yan nahihiya e. Wala pa kasi si Russel, p-nark nya pa kasi ang kotse nya sa labas.
"Wow ha. Wala na bang mas malakas pa dyan?" Pamimilosopa ko.
Bumungisngis sya saka nag sad face..
"Oh what is it this time?" Tanong ko ulit sa kanya. She seems worried.
Nilaro laro nya ang daliri nya saka nagsalita habang nakangiti. "Did we miss something?"
Nag isip ako. Umiling ako.
"Parang wala naman.." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Tanong ulit nya. Nilapitan ko sya saka ko binatukan.
"Wala naman akong nakalimutan e. Ano ka ba.." Napabaling ang tingin ko kay Jeux. Tumitingin sya sa labas. Parang worried din sya. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Bat hindi maipinta ang mga mukha nila? Gwapo pa din naman sya kahit ganyan mukha nya hihi. Ansarap nya tingnan, parang mag cacamping lang e. Dala dala pa din kasi nya ang backpack nya at isang medyo hindi kalakihang camping bag. Haay. Ang gwapo talaga. Shet.
"Hoooooy!" Kinalabit ako ni Lexy.
"Ampota naman Bebe. Ano ba?" Sambit ko.
"Nag d-day dreaming ka naman e." Sabi nya. Pake ba nya? Tss.Sya nga pala, tatawagan ko pa sina mommy na nandito na ko. Marami pa namang damit ang pinadala nya sakin. Akala naman isang buwan ako dito hehe..
Luminga linga ako sa paligid ko.
"Now you were trying to find it.." Sabi ni Lexy.
Teka.. Kinabahan ako bigla..
"Nasan ang maleta ko?" Tanong ko sa kanya.
"Maleta natin hindi lang sayo.. Puchaks." She corrected"Haaaaanooooh???" Tili ko. Napatingin si Jeux sakin. Napatakip ako ng bunganga ko. Shet. Yung maleta ko, ay namin pala.. Naiwan sa eroplano. Ba't di ko naisip yun kanina? Importante yun e. Nandun ang mga damit ko. Waaaa. Nilapitan ako ni Jeux na nagtataka.
"Anong nangyari?" Worried na tanong nya.
"Pap-... Ay Jeux pala, yung gamit namin.." Naluluha na ako. "Naiwan.. Sa plane."
"Ha? Ugh.. Sige.. Hanapin ko lang si Russel. Puntahan natin baka nandun pa din yun. Hindi nyo ba dala paglapag nyo kanina? I mean wala kayong naalala na dala nyo pagbaba nyo kanina?" Tanong nya. Umiling ako saka nagkibit balikat. Ewan. Di ko na maalala. Sa sobrang excited ko ba naman e.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...