JEUXs POV
Napagod ako ngayong araw, nag overtime ako ngayon kasi wala namang pasok bukas e. Sabado. Tsaka maraming customers every friday night kaya two am the next day ako nakauwi. Wala din kasi yung kasama kong waiter na tumutulong sakin sa pag seserve ng gabing yun. Nagkasakit daw kaya ako na lamang mag isa ang nag seserve sa mga customers.
Kung hindi lang dahil sa exams ng tatlo kong kapatid e di ko gagawing mag overtime. Ayaw kasi ni nanay na mapagod ako ng husto at mapabayaan ang pag aaral ko.
Wala namang masyadong nangyari sa mga sumunod na araw, sa school? Hmm.. Ayun, di parin nagbabago. Si Angel, lagi nya parin akong inaaproach. Sinusundan nga nya ako kahit sa library e. Pati sa lab tsaka sa cafeteria. Lumalapit lang sya at nag ha-hi tapos ngingiti. Makikipagkwentuhan ng konti tapos aalis na pag nafefeel nyang wala na akong sasabihin. Napapansin ko rin na hindi sya nags-snack during breaktime. Minsan nga nakita kong namumutla na sya e. Nacurious ako kung bakit sya lumabas ng classroom, sa klase pa talaga ng terror kong prof ha. Sa Logic. Iba ang subject nya sa subject ko. Iba din yung klase ko sa kanya ngayon. Nakita ko kasing pumasok si Prof Jimenez sa room nila Angel kaya alam ko. Sakto kasing wala na akong pasok that time. Nakita kong lumabas siya sa room nila, nacurious ako bakit sya nagmamadali tsaka namumutla kaya bumalik ako sa dinaanan ko kanina. Pumunta sya sa likod ng school.
Nakita kong nag dial sya sa phone nya, "manong driver, can you pick me up in school now na? Im not feeling well po. Masakit yung tiyan ko. Baka anytime, im gonna collapse na.." May sasabihin pa sana sya kaso bigla syang natumba at nahimatay. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nya. She's really pale. May sakit ba sya? I rushed her to the clinic. I was about to go out ng clinic when i saw Kian approaching. He tapped me sa shoulder tapos nagsalita sya, "ako na magbabantay sa kanya. Better get out of the way." Dahilan para mapaalis ako ng hindi man lang hinintay na magising si Angel at malaman ang nangyari sa kanya. Dumiretso na ako sa lab at nag umpisang maglinis at magligpit.
*kinabukasan*
Hindi pumasok si Angel sa klase namin sa English at Math. Magkaklase kami sa dalawang subject na yan. Kalat na din sa buong classroom ang nangyari sa kanya kahapon. Marami nga ang nagsasabing:
'maybe she's preggy. She look so pale daw e.
'Oh. Baka naman nag iinarte lang para kaawaan ni Jeux at mahalin.'
'Nag tatry daw syang maging poor para maging prepared sya sakaling mainlove sa kanya si Jeux. How pathetic she is diba?'
'Si papa Kian daw ang nagdala sa kanya sa clinic. How sweet diba. The hearthrob and the Teen Heart Catcher. They look perfect.'
Parang pati ako nasaktan sa mga naririnig ko. Hindi ko naman sinabi na hindi sya kumain o ano man jan para lang malaman ang buhay mahirap diba? Tsk.. Mga taong wala talagang magawa sa buhay. At hindi ko din sinabi na nasaktan ako dahil mas bagay sila ni Kian. Wala naman akong balak na mainlove kay Angel. Hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sa kanya. For now.. At yung balita na sya ang nagdala kay Angel sa clinic, wala na sakin yun. Mas mabuti nga yun kasi mas bagay naman talaga sila ni Kian, yun nga lang, di sila bagay sa ugali. Napakabait ni Angel. Haay. Okay change topic na nga lang.
Pauwi na ako ngayon sa bahay, day off ko ngayon sa bar. Its 6 pm na kaya didiretso na ako ng uwi. Mabuti na yun at makapagpahinga ako.
Nagulat ako ng may kotse sa harap ng bahay namin. Kilala ko ang kotseng to ah? Dumiretso na ako sa loob ng bahay. Ordinaryo lang ang bahay namin, gawa lang sa kahoy, at dayami ang bubong. Pero kahit ganito, malinis naman. Ayoko kasi makakita ng kalat. Parang di ako makapag focus. So ayun nga, pagkapasok ko nakita ko sa sala si nanay at mga kapatid ko, may babaeng nakatalikod sa akin. Bisita namin.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...