*ANGEL's POV*
Nagising ako bandang alas kwatro ng umaga.. Ang sakit ng ulo ko. Hayop na stallion yun.. Ugh. Sakit talaga ng ulo ko. Napapikit ako saglit. Naalala ko yung nangyari kagabi. Wala akong pinagsisihan dun. Tss. Bumangon na lamang ako para magpaalam kay Rainer kesa isipin yung nangyari.
"What? Di pa tayo tapos Angel. Last day na ngayon oh. Bukas uuwi naman tayo. Walang uwian to." Maktol ni Rainer matapos akong magpaalam.
"As far as i know naman wala tayong rule na lumalabag sa pag uwi ng kahit na sino. You know it Rainer.." Pag re-reason out ko naman.
"Ikaw kaya ang mastermind dito. Tapos pababayaan moko dito. Angel naman.. I cant handle this alone." Reklamo niya
"You have Jeux instead of me. Kasi wala na syang kapartner. He can help you. And.. Ugh. Wala ka namang poproblemahin pa kasi uwi naman din kayo bukas. Mauuna lang ako ng konti." Hehehe napangisi ako.
"Bakit ba kasi kelangan mong mauna. Naman e!" Napakamot sya ng ulo nya.
"I believe in you Rain.. Okay?" Kinindatan ko sya.
"Sige. Bolahin mo pako.."
"Kaw naman. Sige na. Thankyou Rain." Then i gave him my sweetest smile. Ayun napatango nalang sya bilang sagot. Yes! Hahaha got to go na ako. Iiwan ko nalang dito ang gamit ko. Si manong BG na kukuha nito mamaya. Dumiretso nako sa tent ni Russel. Abah ang loko, talagang himbing na himbing sa pagtulog. Hahaha nagso-snort pa. Iws! Kagwapong lalake, bloopers ! HahahahaNiyugyog ko ang balikat nya. Aynaku naman.. Kelangan makaalis na kami habang wala pang araw. Mainit na mamaya.
"Hey. Handsome prince that snores, hahahaha wake up!" Gising ko sa kanya.Minulat nya ang mata nya, "ooooh. A..angel. Ano ba.. Natutulog pako e." Abah nagreklamo. Pinalo ko nga.
"Ano ba! Kulit naman nito. Antok pako. Cant you see? Naman eeee! Di kaya ako nakatulog kagabi sa kakaungol mo.." Napabangon sya at nagtakip ng bunganga habang nakatingin sakin na parang nagsisisi.
"W-what did you just say?" Tanong ko. Hala! Umuungol ba ako kagabi? Alam nya?
"Ugh. Wala.. Hehe. Alis nga pala tayo ngayon nu? Sige na. Magbibihis lang ako then magpapaalam lang ako kay Rainer." Sabi nya.
"No need. Sinabihan ko na sya. Pumayag na sya." Hindi parin ako maconvince sa sinabi nya. Tatanungin ko ulit sya mamaya. Naku pag may alam sya, nakakahiya na talaga yun.Umalis nako para magbihis at kumuha ng gamit ko. Nailigpit ko na yun kagabi kaya ready to go na ako. After 20 minutes lumabas nako sa tent ko. Nakita ko nadin si Russel na naka Hanging shorts hanggang tuhod, yung pang camping.. Ewan ko ano tawag dun then naka hiking shoes. Nike yun e, regalo ko yun sakanya nung birthday nya at naka white shirt.
"Tara?" Aya ko.Tumango na lamang sya. Dumaan muna kami kay Rainer, nagpaalam saka kami umalis. Wala pang gising kahit na isa sa kanila maliban kay Rainer kaya walang nakakaalam na wala na kami. Kahit si Jeux... Hmm. I think alam ni Jeux hehe nasabi ko ba sa kanya? Ay ewan.. Pababa na kami ng bundok. Wohooo! 4-5hours lang ang pababa kaya by ten or eleven am na ako makakarating sa bahay. Tatawag nalang ako kay dad.
*JEUX's POV*
5am na ng magising ako. Puyat ako masyado. Halos di na nga ako nakatulog e. Ano ba yung nagawa ko? Urgh! Hindi ko dapat ginawa yun! Tama.. Mag aapologize ako sa kanya. Hindi ko dapat ginawa yun e. Hindi. Hindi. Woooh! Pano ba to?
Bumangon na ako at dumiretso sa tent ni Angel. Hindi naman pwedeng kumatok ako kasi tent nga diba.
"Gel.." Tawag ko.Nakakailang tawag na ako sa kanya pero walang sumasagot. Tulog pa siguro. Kaya bumalik nalang ako sa tent ko. Magluluto nalang ako. Nakasalubong ko si Rainer.
"Jeux! Nga pala.. Hindi ka na kasali mamaya sa game." Bungad nya sakin.
"Bakit?" Tanong ko
"Wala kang kapartner. Bale, samahan mo nalang akong mag manage mamaya." Saad nya
"Panong walang partner? Si Angel kapartner ko.." Sabi ko
"Umuwi na sya. Kaya, ikaw muna kasama ko mamaya sa pag lead ng groups. Okay lang ba?" Explain nya
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...