Hiking or Camping?

49 0 0
                                    

*ANGEL'S POV*

Pinasama ni dad yung isang body guard nya sakin para magdala ng gamit ko. Nagprotesta naman ako kasi parang hindi naman hiking yun e. Nag reason out naman syang uuwi din naman si manong guard pagdating namin sa hiking area then babalik naman pag uuwi na kami para magbuhat ulit ng gamit ko. Kahit anong insist ko na kaya ko, ayaw pa din. Kulang na nga lang padalhan pa nya ako ng oven, at ref e. Well, napagkasunduan namin na 5 days or more kami dun kung magiging okay ang flow ng lahat. Naipacheck na din ni dad kung wala bang danger ang nandoon habang nasa hike kami, kaya worry free kami. 37 kami lahat na umakyat sa hiking area kasama si manong guard. Almost 6hours din ang lakad namin papunta dun. Estimated na yan. Ansaya talaga. Ang maarteng si Heina, naka shorts tapos naka spaghetti strap, alam naman nyang mainit. Shungabels talaga. Nagreklamo pa.
"Guys, can we slow down? Mainit na kasi e." Maktol nya.
"Slow down ka jan. Kaya nga hiking e. May hiking bang malamig? Dun ka sa north pole." Sagot ko. Sarap ibangga sa puno e.
"Ehh. Its so mabigat kaya ang dala natin." Reklamo ulit nya. Malaki din naman ang bag na dala nya. Nainis tuloy ako ng tulungan sya ni Jeux sa pagbubuhat nya ng bag nya. Nagpahuli ako sa kanilang lahat. Nakakainis. Nagseselos na ata ako.

Malayo na sila sakin. Alam ko naman yung hiking place e. Hindi na ata ako napansin ni manong bodyguard na nasa hulihan ako kaya lumihis ako ng way.
"Where do you think you're going?", sino yun? Lumingon ako.
"Deri.." Nagulat ako dun ah.
"Nagselos ka bigla." Bat ba nya alam lahat? Lecheng tao to.
"Bat mo ba ako sinusundan?" Tanong ko.
"Well, ayaw ko lang naman na maiwan kang nag iisa in the middle of nowhere.." Saad nya.
"I dont need company. I appreciate your concern. I need to be alone." Pagmamaldita ko.
"Thanks. But.. I dont know kung saan na sila ngayon dahil nga sinundan kita. Id better stick with you. Alam kong alam mo yung daan papunta dun. Hindi mo lang gustong makita si Heina with Jeux." Litanya nya.
"So, kasalanan ko pa pala na sinundan mo ako? Tsaka, pano nangyari na nasundan mo ako e ako ang nasa huli..?" Nakapameywang na tanong ko.
"Ha.ha.. I am wiser than you are. Nakita kita syempre. You know.. I.. Cant take my eyes on you." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya. Nabibingi ba ako? Tss. Hindi na bago yan sakin. Dumiretso na ako.
"Why do you keep on insisting yourself to Jeux even you know he doesnt like you? Marami pa naman dyan na mas better pa sa kanya ah?!" Napatigil ako sa paglalakad. Hinarap ko sya.
"And who's better than him? Your brother Kian? Huh.. Not a chance." Saka ako ulit naglakad. Hinabol nya ako at hinawakan sa braso.
"Pwede namang ako ah.." Nilingon ko sya. Binitiwan nya ang braso ko. "Hindi mo lang kasi ako napapansin.. Puro nalang kasi si Jeux ang nakikita mo." Nalungkot ang mukha nya. Tss. I hate dramas.
"Cut it out Deri.. Its not funny." Tinalikuran ko na sya. "We're here to have some fun. Not for confessions. Lika na. Malapit na tayo." Iniba ko nalang ang usapan namin habang naglalakad kami. Kwento kwento about childhood memories. Masarap din naman palang kausap tong kumag na to.

*JEUX's POV*

Masyadong mainit ang panahon kaya naisipan ng grupo na magpahinga muna kahit saglit lang sa mga malalaking puno na nandito.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Heina.
"Hindi ko alam. Si Angel tsaka si Yvonne ang nakakaalam kung saan yun e." Sagot ni Rainer. Ang pinakamalaki sa grupo. San na nga ba si Angel? Hinanap sya ng mga mata ko. Kaya pala walang nambabara kay Heina kanina, tsaka masyadong tahimik ang grupo kasi wala sya. San kaya sya?
"Guys.. I think two members were missing." Announce ni Rainer. "Yung mastermind and Deri. Nasan silang dalawa?" Oo nga. Si Deri at Angel wala dito. Napatayo ang bodyguard ni Angel, "Naku. Pagagalitan ako nito nina Sir David."
"Guys, hintayin muna natin sila or mauuna na tayo? Alam naman nila kung saan yung daan papunta dun e. Baka nandun na nga sila. And besides, danger free naman dito." Mungkahe ni Yvonne. Napagkasunduan ng lahat na didiretso na kami sa hiking area. Tutal malapit naman daw. Half an hour walk nalang.

-------------------------------------------------------------
*ANGEL'S POV*

Nandito na kami sa hiking area. Bah. May nag cacamping din pala dito. Nauna kaming makarating ni Deri kaya naisipan naming magtayo ng tent namin. Unfortunately, yung tent ko dala ni manong BG kaya kay deri nalang na tent yung tinayo namin. Nagugutom na nga ako e. Haay. Antagal naman nila..
"Want some?" Offer ni Deri sakin ng Home made cookies and Mango Float. Abah! Sosyal ng dala nya ha. Kumuha ako saka kumain.
"Thanks. Kanina pa ako nagugutom. Its 12 noon na and yet wala pa sila. Nauna pa tayo." Sabi ko.

After 20 minutes nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako sa tent ni Deri. Nakakahiya man pero pumayag naman sya. Babantayan na lamang daw nya ako sa labas. Haay. Tanghaling tapat ang lamig lamig. Sa baba kasi mainit, walang masyadong puno. Pero dito sa hiking area andaming puno kaya malamig. Ay hindi nyo pa pala alam anong lugar to. Nandito kami sa Mt. Luigi. Kami ang nagpangalan nyan. Eh di namin alam e. Somewhere in Mindoro. Wag na magreklamo, fiction nga ito e. Hehe at ako po ay nakatulog na kakakuwento..

ZzzzzzZzzzzZzzz...

*JEUX's POV*

Sa wakas nandito na din kami. Actually malamig dito. Maraming puno. May nag cacamping din na mga tao. Hindi namin kilala. More or less nasa 15 lang sila.
"Hey guys." Bungad samin ni Deri. Teka. Si Angel nasan? Akala ko ba magkasama sila?
"sir.. Si maam Angel ba kasama mo?" Tanong ng BG ni Angel.
"Yeah. Nasa tent ko sya. Sleeping. Napagod ata. Nasayo daw kasi yung gamit nya kaya yung sakin nalang muna yung tinayo namin." Saad ni Deri.
"Haay salamat naman po. Akala ko kung saan na si maam. Baka mapagalitan ho ako e. Salamat po sir." Pagpapasalamat niya kay Deri.
"Let me help you build her tent." Offer nya kay manong BG.

Nagtayo na din kami ng tent namin. pabilog na hugis ang pagtayo namin ng tent. Sa gitna kasi kami mag memeeting. Kaya kung sino ang kulang, madaling makita. Nasa ikatlong tent ako mula kay Angel. Katabi kong tent si Deri.

After namin ayusin lahat ng gamit namin ay napagpasyahan naming magpahinga muna. 5pm kami mag memeet ulit. Yung iba, natulog na muna. Yung iba naman nagkukuwentuhan at nagpipicture taking. Pumasok na muna ako sa tent ko. Narinig kong may umungol..
"Ugh.." Ano yun? I mean.. Sino yun? Lumabas ako sandali. Nanggagaling sa tent ni Deri. Pumasok ako. Nakita ko si Angel, pinagpapawisan sya.
"No.. Please." Nananaginip sya.

Tinapik ko ang balikat nya para gisingin sya.

Napabangon sya. Namumutla pa sya.
"Nananaginip ka Angel." Sabi ko.

Niyakap nya ako. Nagulat ako pero naramdaman ko nalang yung sarili ko na tinutugunan ang yakap nya. "Its okay. Panaginip lang yun." Assure ko.

Bigla syang kumalas sa pagkakayakap sakin at saka ako hinalikan.. Sa labi. Napatulala ako.

One.. Two.. Three.. Four.. Five.. Six.. Seven seconds.. Teka. Bat ayaw kumalas ng labi ko sa labi nya? Tinutugunan ko na din pati labi nya. Napayakap sya sakin. Ng..
"Ehemm..." Naitulak ako ni Angel. May tao sa labas. Napatayo sya bigla, "Sorry.." Sambit nya. Para kanino yung sorry?

Napatayo na din ako. Nakita ko si Deri. "Ugh. Sorry Deri. Ginising ko lang sya kasi nanaginip sya ng masama. And then.." Explain ko.
"Sa tent ko pa talaga." Napailing sya at saka ako tinalikuran.

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon