*ANGEL's POV*
Everything went well. Parang smooth sailing kumbaga. Parang ambagal ng araw. Uuugh! Gusto ko ng umuwi. Namimiss ko na ang Loveee ko. Isang araw na lang at makakauwi na ako pero parang ambagal ng oras. Kinuha ko yung mini clock sa gilid ng bed ko. It's 6:54 am Paris Time. Anong oras na ba sa Pinas ngayon? Isinet ko yung time sa mini clock ng gaya sa phone ko. Dalawa naman ang clock dito e. Hehe isang wall clock at isang mini clock. Pagkatapos kong iset ay Saka ulit ako nahiga. Ilang beses kong tinawagan si Jeux nung nakaraang linggo pero sa 30 times na tawag ko, isa lang ang nasagot nya. Busy pa sya. Haay. Nakakamiss na talaga sya.
Biglang may kumatok sa room ko. I am staying at one of the hotels here in Paris, in-accommodate naman ako ni Tita Belle dito, ang mommy ni Kian.
Binuksan ko yun.
"Bonjour!" Bati saakin nung butler na ipinadala sakin ni Tita.
"petit déjeuner.." sabi nya sabay ngiti. That means Breakfast in french. Sabay hapag ng pagkain ko sa dining table.
"Merci.." sagot ko. It means thankyou.
"Je vous en prie." Sagot naman nya na ibig sabihin Welcome at saka umalis.Haaay. Isang event nalang Angel. Isa nalang. Tiisin mo ang loneliness mo sa papa Lovee mo. Sabi ng isip ko.
Mamayang gabi ang last na event na dadaluhan ko. It is a lingerie line. Isa ako sa mga models nila dun. Gustong gusto ko ng makita ang Pinas. Si Mommy tsaka si Dad. Tsaka si Lexy, tapos si Jeux. Haay. Pang ilang beses ko na bang sinabi yun? Hehehe sorry naman. Ayoko lang mapalayo ako sa mahal ko. Mamamasyal nalang muna ako dito. So...
Kinain ko na ang breakfast ko saka naligo at inaliw ang sarili sa mga tanawin. Unang una kong pupuntahan ang Eiffel Tower. Wohooo!*RUSSEL's POV*
It's been 3 weeks. Yes. 3 weeks and 2 days. Simula ng ilibing si Arianne, at simula ng away namin ni Angel. Hindi ko na sya nakikita sa school. Si Jeux ang lagi kong kasama ngayon. Sabi nya nasa Paris ito. Gabi gabi akong nasa Aerson bar, at gabi gabi din akong dinadamayan ni Jeux at Adrian. Kasalanan ko ba, na hanggang ngayon hindi ko pa nakakalimutan si Arianne? Lalo pa at nalaman kong may kinalaman din si Angel sa pagkawala nito. Kasalanan nya, partly yes. Pero alam kong may kasalanan din ako. Ayaw ko munang makipag usap sa kanya. Hindi muna ngayon.
Last week ng nasa bar kami nilapitan ako ni Honey, may kasama itong chiks din and since day off ni Jeux ng gabing yun, magkasama kami kasi niyaya ko syang samahan muna ako. Busy din kasi si Adrian that time kasi nagkasakit si Andrè.
Lasing na ako ng oras na yun pero alam na alam ko ang nangyayari sa paligid.
*flashback*
Nasa isang VIP KTV Room kami ngayong apat. Ako kapartner si Honey at si Jeux kapartner ni Erika. At kitang kita ko ang paghahalikan ng dalawa hihi alam kong masama manilip sa ginagawa ng iba pero hindi ko alam na ganun pala ka hustler sa halikan itong kaibigan ko. Naturuan siguro ng maayos ni Angel hahahahaha.
Lasing na lasing na din naman kami ni Honey, actually kaming apat. Nakaisang bote kami ng martini at dalawang whiskey din kami. Matindi din pala ang tolerance nitong mga kasama ko."Go find a room." Utos ko sa kanila ni Erika. Eh naghuhubaran na e. Buti na lang at may curtain sa gitna ng room. Kaya ang ginawa ko, sinara ko yun ng magkaroon naman kami ng privacy ni Honey at syempre sila naman ni Jeux hehehe. Ewan ko anong nangyari sa dalawang yun doon basta ako, naka two points ako. Shoot na shoot e.
Umaga na ng magising kami. Nagulat ako sa nakita ko ng tabigin ko ang kurtina sa loob ng room kung saan sina Jeux nakapuwesto. Ang kumag naka boxer shorts lang at katabi ni Erika na halos makita na ang buong salinlahi dahil damit lang ni Jeux ang takip sa katawan nya.
Aba. Walengyeee! Hahahaha grabe din pala tong kumag na to. Akala ko ako lang ang hayop sa babae, pati din pala sya.
Dahan dahan akong tumayo at nagbihis. Saka ko din dahan dahang tinapik si pareng Jeux para magising.
Nagulat sya sa nakita nyang babae sa tabi nya saka dali daling bumangon. Nataranta ang loko hahahaha. Sa sobrang taranta nagising nya si Erika na malapit ng mahulog sa sofa. Hehehe epic ang pagmumukha nilang dalawa.
"Oh.. hey!" Sabi ni Erika sabay kusot ng mata nya.
"M..magbihis ka na. K..k..kukunin ko yung damit ko." Utos ni Jeux sa kanya.
Bumalik muna ako sa pwesto namin ni Honey habang nagbibihis yung dalawa sa kabila hihihi.
Ilang minuto lang ang lumipas ng magsalita si Jeux.
"Pre.. alis na ko." Paalam nito sakin.
"Oy oy sandali." Habol ko sa kanya. "Sabay na tayo. Hatid na kita sa bahay nyo." Alok ko.
"Pano yang dalawang yan? Nasobrahan ata ako ng kalasingan kagabi." Parang kabado ang tinig nya.
"Don't worry. Atin atin lang to. Hindi kita ilalaglag kay Angel." Assure ko sabay kindat sa kanya.
Binalingan ko ng tingin si Erika.
"Mauna na kami sa inyo." Paalam ko sa kanya.
Tumango lamang ito.
After nun sumibat na kami. Tapos na ang show e hehehehe.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...