This means WAR

37 0 0
                                    

*JEUX's POV*

Im heading to falls na para maligo. Masarap maligo kahit malamig ang panahon. Ang lamig ng hangin. Sa hot spring kasi naliligo yung iba. Pansin ko din na kami lang ni Angel ang naliligo dito. Minsan kasi nakakasalubong ko siya pag tapos na akong maligo. Kasama nya si Russel. Ngayon, bibilisan ko ng maligo para hindi ko na sila masalubong. Masakit sa pakiramdam e. Nagseselos na ata ako. Parang may tumutusok sa dibdib ko. Tss. Hayaan na nga yan. Lulublob lang ako saka lalangoy ng ilang beses at aahon na agad. Ayaw ko ng tumagal dito.

Naghubad na ako. Naka boxers lang ako ngayon saka ako lumusong. Lumangoy ako hanggang sa malaking bato na pinagtaguan ko nung gabing malapit ng may mangyari samin ni Angel. Sinandal ko ang dalawang kamay ko sa bato at nagmuni muni muna.. Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi pa nga ako nakakapagsimula ng may maramdaman akong presence ng isang tao. Biglang humalik sa labi ko. Teka.. Si Angel parin ba to? Minulat ko yung mata ko. Hindi ko maaninag kung sino, basta babae. Patuloy parin sa pagdampi ang labi namin sa isat isa. Tinugunan ko yun. Pero iba yung naramdaman ko. Parang iba.. Iba yung halik.. Maniac na ata ako.

Ayokong matuloy yung nangyari nung nakaraang gabi samin. Kaya pinutol ko na yung halik.
"Why did you stop?" Sa tono ng pananalita nya, nadisappoint sya. At.. Na confirm kong hindi si Angel ang kaharap ko ngayon. Kundi si..
"Heina?.." Sambit ko
"Bat ka nagulat?" Tanong nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin.
"Naliligo syempre.." Hinawakan ulit nya ang balikat ko. "I've been waiting for you here for about 20minutes. I thought hindi ka pupunta dito e." Medyo malandi ang boses nya.. Nang aakit. Alam ko yan e. Hindi naman ganyan si Angel e. Nadidiscourage ako sa babaeng ganyan. Tinanggal ko yung kamay nya ulit.
"Ugh.. Okay. Di ka pa ba aahon?" Iniba ko nalang ang usapan namin. Baka saan pa mapunta e.
"Hindi pa. Hinihintay kita. Sasabay sana akong maligo sayo e." Nanindig yung balahibo ko dun a. Hehe parang ang pangit pakinggan. Hinawakan nya yung batok ko saka ako hinalikan ulit, pinutol ko ulit yung halik nya.. "Heina. Sandali. Ugh."

Pinilit pa nyang halikan ako pero iniwas ko yung mukha ko. "Tumugon ka na kanina sa halik ko, bakit ayaw mo ngayon?" nagmamaktol na sabi nya.
"Sorry.. I thought ikaw si A.." Napakunot ang noo nya.
"Who?" Sunod na tanong nya.
"Ugh. Wa-wala.. Nabigla lang ako kanina. S-sige.. Alis nako." Saka ako dali daling lumangoy papunta sa taas at nagbihis pero talagang ayaw paawat tong si Heina. Sinundan pala ako.
"Sino ba yung iniexpect mong kahalikan mo kanina? Si Angel ba?" Hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero hinila nya ang braso ko at humarap sakin. Pinipilit parin nyang halikan ako pero pinipigilan ko sya ng may humablot sa kanya palayo sakin.
"Ayaw ka nga nyang kahalikan kaya wag mo ng ipilit Heina okay?" Si Angel pala ang humatak kay Heina. Tapos nyang sabihin yun, lumapit sya sakin saka nya itinaas ang palad nya sa mukha ko.. Akala ko sasampalin nya ako kaya napapikit ako. Naramdaman kong may malambot na palad ang pumapahid sa labi ko. "Sakin lang to.." Bulong nya sakin saka nya ako nginitian. Binalingan nya si Heina, lumapit sya dito. "Hitad ka talaga. Wasakin ko yang pagmumukha mo e. Gusto mo bang makahalikan yang bato na nasa likod mo?" Hindi naman malakas ang pagsabi nya nun pero dinig ko. Grabe talaga ang bunganga nitong babaeng to.
"Dont even dare.." Pinatulan sya ni Heina. Nakapameywang pa ito.
"Talaga.. May pa dare dare ka pang nalalaman ha. Kala mo di ko gagawin? Lika dito.." Hinawakan nya ang buhok ni Heina saka kinaladkad ito papunta sa ibaba sa malaking bato..
"Ouch! Get off me!" Reklamo ni Heina, "nasasaktan ako. Aww!" "Dare dare mo ko, sige.. Ito dapat kahalikan mo.." Inaawat na sya ni Russel.
"Mahal wag!" Awat ni Russel.

Pero hindi nakinig si Angel. Sinubsob nya ang mukha ni Heina sa malaking bato. "Oh ayan.. Masarap humalik ang bato diba? Di ka pa nirereject.."

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon