"I'm not gonna give you up!"
~Angel*ANGEL'S POV*
I've been stalking Jeux for a couple of days na at walang nakakaalam nun.. Napansin kong may mga pasa sya sa mukha ng minsang masalubong ko sya sa canteen. Mukhang bago lang kasi namumula pa e. Kawawa naman sya. Ano kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya sya? Nilapitan ko sya nung nasa library sya, busy sa pag aayos ng mga books.
"J..jeux. Ugh.. You okay?" Nilaro laro ko yung daliri ko, ewan ko, nahihiya ako.Lumingon sya sakin. May sugat din pati ang labi nya, that delicious lips of him.. Ay teka! Hindi tamang oras ngayon para sa pagnanasa ko.
"Im fine." Malamig na tugon nya saka ulit nya ibinalik sa mga libro ang atensyon nya.
"Can i help?" I offered him
"No thanks. Kaya ko naman." Malamig pa din ang tono nya and this time hindi nya ako nililingon. Seryoso ang mukha nya.
"Okay. If there's anything you need..." Pinutol nya ang sasabihin ko.
"Dont bother. I dont need it." Saka nya ako tinalikuran. Haay. Strike one this day. Sabi ko sa sarili ko.After nung sa library pumunta na ako ng AVR para magpractice ng isang solo na kanta para sa program next week. Farewell party daw para sa isang teacher na mag mo-move sa US. Parang despidida kumbaga.. Nagstart ako 3:50pm at natapos ako ng 4:35. Sakit ng lalamunan ko kaka-kanta. May duet din si Jeux at isang senior na babae.
Lumabas na ako ng AVR at dumiretso sa basketball court kasi susunduin ko ang magaling kong kaibigan, nandun kasi si Russel kaya todo suporta nanaman si Lexy parang tanga lang. Kaya nga siguro magkaibigan kami.
Pagkapasok ko, si Jeux agad ang nakita ko. Pawis na pawis sya. Nagpractice din pala sya. Hindi ko alam kung anong nag udyok sakin para mapapunta sa canteen. Bumili ako ng mineral water saka bumalik sa court. Nilapitan ko si Jeux na noo'y nag t-tie ng shoe lace nya.
"Uyy! Ang bagong love team.." Asar ng isang member ng basketball team dahilan upang mapataas ng tingin si Jeux. I offered him the bottled water.
"No thanks.." Sabi nya at saka tumayo.
"Aalis na din naman ako. Iiwan ko nalang dito." Hinintay kong lumingon sya sakin pero patuloy sya sa paglalakad sa gitna.
"Second game pre.." Rinig kong aya nya sa mga kasama nya..
Strike two for this day Angel.. Sabi ng isip ko. Haay..Days went by so fast..
2 weeks more to go, magtatapos na ang 2nd semester..
*LEXY'S POV*
Nakakainis! Ba't walang salitang lumalabas sa bibig ko pag kasama ko na si Russel? Waaaa. Ano ba yan.. Papunta na ako ngayon sa lobby. Naghihintay na ang bebe ko doon. Kanina pa nga ang out nun e. Nakikita ko na sya na naka earphone habang nakaupo sa bench sa lobby. Didiretso na sana ako dun ng makita kong tumayo sya at naglakad papuntang parking area. Sinundan ko sya. I saw her driver na naghihintay sa kanya. And nakita ko din si Jeux na papalabas na din. Tsk.. Stalking him again. Hindi ka pa ba nadadala Bebe?
Sinenyasan nya si manong na maghintay muna at saka sya naglakad papunta sa direksyon ni Jeux. Nag aabang ng masasakyan si pogi sungit. Sinundan ko din sya. Nagtago ako sa isang malaking poste malapit sa kanila.
Rinig ko ang pag approach ni Angel sa kanya, "uuwi ka na ba?" At napatango na lamang si Jeux.
"Jeux, anong nangyari sa mukha mo?" Mahinang tanong nya. Parang curious sya. Parang ako din, napansin kong may mga pasa si Jeux sa mukha. San nya kaya yun nakuha? Sayang ang gwapong mukha.
"Wala ka na dun.." Sagot niya. Naku suplado talaga..
"Gagamutin ko.." Offer ni bebe and note the sound of concern sa boses nya.
"Hindi na. Okay na ako." Malamig na tugon ni Jeux.
"Okay ka lang ba talaga? Mag iingat ka sa susunod ha?" Malambing na sabi ni bebe kay Jeux. Napatingin ito sa kanya.
"Sige. Uwi na ko. Bye." Mabilis syang sumakay sa tricycle. Hindi man lang lumingon sa kanya. Naiwan nanaman ang bebe ko na parang tanga. Haay. Ganito na lang ba kami lage? Busted sa mga minamahal namin. How pathetic! Urgh.. Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi man lang ako maka score kay Russel. Tsk. Enebenemen yen.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...