CHAPTER SIX
*The Answer*JEUX's POV
Im heading now to library. Inutusan kasi ako ni Maam Lea na imbes na sa laboratory ako maglilinis, sa library nalang muna. Mas makalat sa library, mas crowded. Medyo maingay pa. Mas gugustuhin ko pa sa laboratory nalang maglinis kesa dito. Hindi naman sa nagrereklamo ako, naiinis lang ako sa lugar na to kasi imbes na magbasa sila o magresearch, nakatunganga sakin habang nagliligpit ako ng mga libro na ginamit nila. May kukuha ng picture, sakit pa naman sa mata yung flash. Mailaw naman bakit pa naka flash, tsk. Idagdag mo pa yung nagtititili na akala mo artista ako na nakita nila, hindi sa pagmamayabang pero yan talaga napapansin ko. At nakakairita lang kasi ayoko ng ganyan. Gusto ko kasi pag trabaho, trabaho lang. Yun lang. Wala akong balak mag girlfriend o pansinin ang mga babaeng *sorry sa term, flirt.
Kinuha ko na ulit yung libro sa isang table na wala ng tao, sa dulo ito dapat ng shelf, papunta na sana ako dun ng makasalubong ako ng babaeng nakayuko at busy sa pagbubuklat ng libro, huli na ng mahuli ko sya sa pagkakabunggo sakin kaya..
*booogsh!
"Awww." Utal nya pagkabagsak nya sa harap ko. Posisyon namin ngayon? Nakadagan sya sakin habang nakayakap, ako naman nakahiga na napahawak sa magkabilang side ng ulo ko, ganyan ako e, baka mabagok ulo ko sayang ang kaalaman ko. Bakit ba napakaraming aksidenteng nangyayari sakin this day? Una, yung kay Angel, tapos yung kay Angel ulit na muntik na akong halikan, ngayon nanaman sa babaeng hindi ko kilala. Malas ba araw ko ngayon? Tsk. Kung sa laboratory siguro ako ngayon naglilinis malamang sunog na yun ngayon. Di ko ma imagine na masusunog ang buong lab dahil sakin. Kulang pa ata buhay ko bilang kabayaran sa lahat ng gamit dun. Wag naman sana.Napabangon na ang babaeng nasa dibdib ko. Napatingin sya sakin. And..
O_O --- ako
O.O --- sya na bigla nalang naging ganito -- ^_^
"H-hi!", bati nya na diretso pa din sa pagtitig sakin
"Angel?", hayy naku. Hindi na ata sya Angel ngayon, si Ms. Malas na ata sya.
"I..im sorry. Di ko alam na..ugh.", di ko na sya pinatapos, bumangon na din ako at saka ko inayos ang sarili ko. Nakita kong parang nahilo pa sya at parang matutumba kaya inalalayan ko sya sa dalawang braso nya.
"S-sorry.." Sambit nya.
"Be careful next time. Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko
"Ugh.. Looking for...this?!" At saka nanaman sya ngumiti..ngiting nagpapa cute habang pinapakita sakin yung librong binabasa nya.
"Okay. Dun sa left side ang mga adventure books.." Yung Hardy Boys kasi na book yung pinakita nya, volume 5. Ang ibang volumes nun ang sigurado akong hinahanap nya. Dapat sana maiinis na ako sa kanya e. Para bang sinusundan nya kung san ako papunta.
"Thankyou. Anyway, akala ko ba laboratory ang destino mo? Change of destination?", ah. So hindi nya alam na nandito ako. Napag isipan ko tuloy ng di maganda.
"May gumagamit kasi ng laboratory ngayon..until evening yung sched nila." Then she nod.
"Oh-kay. So, sorry ulit? And.. Ugh. Thankyou.." Saka ulit sya ngumiti. Ang sweet ng ngiti nya. Ehhh.. Hayaan nyo na nga yang ngiti nya. Wag kayong mag isip ng kung ano ano jan. Makalinis na nga.*ANGEL'S POV*
Enebenemen yen! Nakakahiya. Malas mo talagang book ka. Kung di lang dahil sayo, ayy naku hindi ako nakabangga kay papa Jeux. Haay. Bat ba ang gwapo nun? Kainis.. Baka di sya pumayag. Nanay Josie sana naman makumbinsi mo sya.
Malapit na ako dun sa pinagkuhanan ko nung book, yes alam ko kung saan yun nakalagay, nag alibi lang ako kanina kasi di ko alam ang sasabihin ko. Narinig kong may nagbulungan sa gilid ko.
"Ang harot.." Girl 1
"Landi talaga.." Girl 2
"Sayang ang kagandahan kung kalandian din naman ang pinapairal.." Girl 3Naririndi na ako sa pinagsasabi nitong tatlong to. Parang ako lang pinariringgan e. Nilingon ko sila.
Aba ang mga walang hiya, ke papangit na nga ng mukha mga chismosa pa. Daig pa si Boy Abunda kung mag chararat.
"Mind if i ask kung ako ba tinutukoy nyo?" Simula ko.
"Bakit? Tinamaan ka ba?" Sagot nung girl na naka pony tail. Girl 1.
"Ohh. Oo. Tinamaan ako e. You know why? May karapatan akong maging malandi at maging maharot kasi MAYAMAN ako. Gusto nyo ba pati dangal nyo bilhin ko? ", saka ako nag walk out at syempre tsunami walk. Oh edi basag sila. Teka.. Ano bang ginawa ko para sabihan nila akong malandi at maharot? Ay ewan! Bahala nga sila.*JEUX'S POV*
"Nay naman.. Bat kayo nangako? Eeeh." Maktol ko kay nanay ng makauwi ako.
"Eh. Para naman makapagpahinga ka sa trabaho anak. Mag enjoy ka kahit ilang araw lang." Sagot nya.
"Nay naman.. Nagreklamo ba ako sainyo na napagod ako? Pano nalang ho yung kikitain ko sa ilang araw na pag absent ko dun sa trabaho ko sa club? Sayang din yun." Mahabang litanya ko.
"Wala ka ng poproblemahin dun. Yung isang kinsenas mong sahod binigay na sakin ni Angel."
"Ho? Nay naman.. Bat nyo tinanggap?" Nakakainis na talaga..
"Anak.. Sige na ha? Sinabi ko na kay Angel na makakapunta ka. Sa lunes na yun. Maghanda ka na kasi pagkatapos ng exam nyo ngayong linggo ay susunduin ka na nila dito." At umalis na sya. Haay. Nag fifeeling mayaman yung nanay ko. Ano bang makukuha ko sa hiking na yun?-------------------------------------------------------------
Sasama na daw ako sabi ni nanay. Jeux*ANGEL'S POV*
Halos lulunin ko ang buong ham na kinakain ko ng matanggap ko yang text na yan. Ilang beses ko na bang binasa to? Pang anim na ata. At hindi ako napapagod sa pagbabasa. Aiit. Ang babaw ng kaligayahan ko. Ang saya talaga ng buhay ko. Wohoooo!
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Ficção AdolescenteHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...