*HEINA's POV*
Im Heina Sy, half chinese, 19. My parents are both in Business. Airlines, Salon and Resort ang business na pagmamay ari namin. I am the only child of Sy family. May half brother ako, nasa States. Kapatid ko sa ama. Since my mom undergone hysterectomy after giving birth to me. May problema kasi sya sa uterus nya. Spoiled ako. Oo na, ako na maarte at mayabang. And hindi ako malandi, akala nyo lang yan. Ganito ako pinalaki e, ano ba pake nyo?
Russel is one of my ultimate crush pero inagaw ni Angel. Nagmamagaling lagi. Tapos ng sumuko ako sa pagsunod kay Russel, kasi nga si Angel ang gusto nya, nabaling ang atensyon ko kay Jeux. Magkasing gwapo sila ni Russel pero mas serious type si Jeux, poor nga lang. Gusto ko lang naman syang matikman.. Duuh?! Ang mga poor na tao, swerte ng makabingwit ng mayamang tulad ko nuh. Kaso, inagaw nanaman sakin ni Angel. Lahat nalang inaagaw nya. Si Russel, si Jeux, sino nanaman ba ang susunod? Lecheng babae yan. Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa nya sakin nung hiking namin. I cant imagine myself having scar in my beautiful face. Buti nalang gasgas lang natamo ko. Makakaganti din ako sayo Angel, hintayin mo lang..
*RUSSEL'S POV*
Nandito ako ngayon sa Aerson bar. Kasama ko si Jeux at Adrian (Adrian Celez bida sa THORNS kong storya- hehe thanks). Kaibigan ko sya since highschool. Naging kaibigan ni Jeux dahil sakin. Mabait naman to kung hindi lang masama magselos. Parang demonyo kung magselos to. Ewan ko pano natagalan ni Chloe to e. Si Chloe ang asawa nya. Oo may asawa na sya, pano ba naman kasi sa kakaselos nya, di nya na namalayan, naging demonyo nanaman sya hahaha hindi nakakakilala ng tao. Ni rape ang syota nya. Talagang napaka gag*.. Mahal na mahal nya kasi yung babaeng yun kahit pa tutol ang mommy nya. Mahirap lang kasi sina Chloe, matalino lang tsaka sobrang bait kaya napaamo si Ian, gusto ng mommy nya na mayaman din mapangasawa niya pero ayaw umalis ni Ian kay Chloe e. May magagawa ba sila sa tunay na pag ibig? Naks! May baby boy na din sila, ang cute nga e. Osige tama na pakilala. 7pm kasi ang in ni Jeux kaya hihintayin na namin sya hanggang eleven pm. Magmomovie marathon kami sa bahay nila Ian. Matagal na din kasi kaming hindi nakakapag bonding.
"Pumayag ba misis mo na pupunta ka dito?" Tanong ko kay Ian habang lumalagok ng scotch.
"Oo. Sabi ko aantayin ko kayo ni pareng Jeux. Tinulungan ko syang magluto kanina kaya pumayag. Nabawas bawasan ang trabaho nya." Mahabang sagot nya. Kaya ayaw ko pa mag asawa e haha tsaka bata pa ako nu. 1st year college pa lang ako.
"Bakit ba kasi ayaw nyong kumuha ng katulong para naman hindi mahirapan si Chloe sa gawaing bahay." Payo ko
"Ayaw kasi nya. Mas gusto nyang sya mismo mag alaga samin ni Andrè." Naks naman.Nagkwentuhan na muna kami hanggang sa matapos na ang duty time ni Jeux. Dumiretso na kami kina Ian.
*CELEZ RESIDENCE*
*RUSSEL'S POV*
Sinalubong kami ng magandang asawa ni Ian. Halatang bagong gising ito.
"Ba't gising ka pa? Sabi ko naman sayo okay lang kahit di mo kami maasikaso. Ang lalaki ng mga buto ng mga kasama ko e. Kaya na nilang kumuha ng pagkain on their own." Niyakap nya ang asawa nya saka nya hinalikan sa noo.
"Okay lang mahal. Hindi din naman ako makatulog.." Bumaling sya samin. Ang ganda talaga. Parang manika kahit di pa nakaayos hehe. "Feel at home lang kayo. Ihahanda ko lang ang pagkain." Nginitian nya ako.. Ay kami pala saka dumiretso sa kusina nila. Hindi kalakihan ang bahay nila pero maganda ang pagkagawa. Ayaw daw kasi ni Chloe ng malaking bahay. Tatatlo lang naman daw sila e.Umupo muna kami sa sala. Si Ian nagpaalam magbibihis lang daw. Naku, mag momovie marathon kami, parang binata lang ang kumag e. Wala daw kasi yung mga kaibigan nila ni Chloe kaya kami ang niyaya. Ano nanaman bang movie ang panonoorin namin? Ambaduy kaya. Puro kami lalake dito e hahaha.
Nasa kalagitnaan na kami ng panonood, TAKEN 1 and 2 ang pinapanood namin. Ang galing kasi nung bida. Pramis! Osige, back to story na. Tipsy na kami kanina ni Adrian bago kami makarating dito sa bahay nila. Kaya si Jeux pinatagay na din namin. Ayaw nga sana nya kasi hindi sya umiinom pero pinilit namin. Tutal puro naman kami lalake dito tsaka wala naman syang pasok bukas.
Dahil nga hindi sya sanay na uminom, madali syang nalasing. Napakadaldal. Hahaha ang ingay nya pramis.
Tinanong sya ni Ian kung kumusta na ang pag aaral nya at buhay nya.
Nagkadramahan lang kami. Sa mga kaibigan kasi namin ni Ian, sya lang ang halos hindi maayos ang buhay. I mean, diba mayaman kami, sya lang yung *sorry sa term, mahirap. Amin nya din naman yun e. Tsaka nakakaraos naman sila dahil yun sa paghihirap nyang magtrabaho araw at gabi. Marami pa syang sinabi. Pati na din ang hirap sa puso nya. Naks! Nababakla na ako sa taong to. Lalabas na lahat ng katotohanan sa bibig nya. Diba nga ang lasing daw nagsasabi ng totoo? Sinamantala ko yun kaya naitanong ko sa kanya kung may gusto ba sya sa campus. Hindi ko muna inispecify.
"Oo. Hangkulet nga heh.." Sagot nya.Binulungan ko si Ian na mag follow up question.
"Ugh. Pre, sino ba ang maswerteng babae na yan? Maganda ba? Pakilala mo naman samin." Tanong niya
"Oo. Sing ganda nung misis mo.." Napangiti sya. "Si Angel.." Napapikit sya habang sinasabi to. "Kasho.. Mayaman. Di ko mapapakilala yun shainyo. Mah.labo yun." See? Sabi ko sainyo may gusto din tong kumag na to kay Angel e. Kunwari pa na ayaw. Sus. If i know kung hindi mayaman si Angel malamang ngayon sila na. Tch.
"Bakit pala kung mayaman sya?" Nagtatakang tanong ni Ian. Hindi nya kasi alam kung bakit ayaw ni Jeux sa mayayaman.
"Hoy Lusyo.. Wag ka ngang ganyan. Wala naman sa yaman ang pagmamahal. Tadyakan kita diyan e." Dugtong pa ni Ian.Kinuwento nya kay Ian ang rason pero summary lang.
"Abnormal ka talaga.. Mababait kaya ang parents ni Angel. Di yun pareho sa nanay ni Ian." Nag peace sign ako kay Ian. Naintindihan nya naman yun e. Hehe totoo naman kasi.
"Hayaw ko padin. Di kami bagay nun. Langit yun lupa ako." Sabi nya. Aba! Line ni Robin Padilla yun sa mga pelikula nya na mayaman si Vina Morales. Batang 90's ako e. Haha yaan nyo na.
"Ulol ka. Yan din estado namin ni Chloe. Pero pinaglaban ko yun. Ako mismo gumawa ng paraan para maglapit ang langit sa lupa.. Look at us now. Ikaw, pwede mo din gawin yun. Matapang ka pre, kaya mong ipaglapit ang lupa sa langit. At hindi naman basehan ang estado ng buhay kapag nagmahal ka kasi hindi yaman ang tumitibok pre.. PUSO!" Mahabang litanya ni Ian. May pinanghuhugutan ba to? Ang lalim nun a.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...