Cont'd..
*JEUX's POV*
"Ohpaaa.." tawag sakin ni Raff. Busy ako sa paglalagay ng kung ano anong decoration at toppings sa ice cream nya. "I..wanna eat with umma..puhhhlleaaase?" With matching tiklop ng dalawang palad nya na parang nag p-pray. Nakakatawa talaga tong anak ko. Ang sarap pala sa feeling ng may anak, lalo pa at nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Para tuloy akong bumalik sa pagiging bata. Haaay.
Tumango nalang ako bilang sagot habang naka smile sa kanya. Tinapos ko na ang paglagay ng toppings sa ice cream nya saka ko sya ulit kinarga.
"Please pakidala nito sa table nine." Utos ko sa crew.
"Yes sir." Sagot nito sabay kuha nung tray.
Dumiretso na kami agad sa table kung saan naroon sina Angel at mga kasama nya.
"Umma.." sabi ni Raff kay Angel.
Binalingan ng tingin ni Angel ang dalang ice cream bowl ng crew saka napatingin ulit kay Raff na parang nagtatanong. Napatingin na din ako sa reaksyon ni Raff. Hmm.. kinakagat nya ang kanang daliri nya sabay yuko. Nahalata ko kaagad na hindi nga talaga gustong pakainin ni Angel si Raff ng ice cream.
"What's wrong baby?" Tanong ko kunyari kay Raff.
Niyakap nya ako at hindi na tumingin pa kay Angel. Then I heard he whispers, "umma..is..mad. Umma don't.. want me..to..eat..aish cweaaaam."
"Hindi ko pinapayagan kumain si Raff nyan lalo na at hindi yan kumain kanina ng breakfast nya." Matigas na saad ni Angel.
"Ohh. You did not eat your breakfast? Why?" Tanong ko kay Raff.
"The hotdogs..here..tastes like..oil..smells..like gas. Don't want to eat ohpaa.." sabay pout sa harap ko habang karga ko pa din sya.
Tiningnan ko si Angel. Matalim din ang tingin nya sakin.
"Don't take this against him. Ako ang pumilit sa kanya na kumain ng ice cream. Kung ayaw mo syang payagan, pakakainin ko na muna sya ng breakfast then he can eat ice cream na. Well, it's brunch already." Giit ko.
"Don't spoil him Jeux." Sabi niya
"I'm not spoiling him. Okay? I'm just trying to.." hindi na nya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Okay then. I lose." Sabi nya sabay tingin kay Raff.
"Don't look at him like that. Walang ginagawa si Raff sayo." Sabi ko sabay lapag kay Raff sa bakanteng upuan sa tabi ng lalakeng kasama nina Angel.
"Hey guys! Chill!" Awat ng lalakeng nasa gilid namin Raff. Yung mestisong gwapo. Mas gwapo naman ako dito e. Tss.
"And who are you?" Tanong ko.
"Oh. Sorry. I didn't mean to intrude." He apologize.
"Ah. Meet Xavier. My fiancé." Sabat ni Angel. Parang nabingi ako sa sinabi nya. Did she just say fiancé?
Inilahad ng lalake ang kamay nya sa harap ko sabay tayo.
Tiningnan ko muna sya.
Gwapo naman.
Matangkad saakin ng konti.
Maputi.
Maganda ang pangangatawan.
Pero mas gwapo ako.
Tinanggap ko ang pakikipagkamay nya sakin.
"Jeux.." nasabi ko nalang.
Nakangiti pa sya sakin. "Finally I met you. I really wanted to meet you." Saka nya kinuha ang palad nya.*LEXY's POV*
Inilahad ni Xavier ang kamay nya kay Jeux upang makipagkilala. Nakita kong pinagmasdan muna ng maigi ni Jeux si Xavier bago nito tinanggap ang pakikipag shake hands sa kanya.
Nagkatinginan kami ni bebeh. Can you feel the awkwardness? Hahaha shet lang mamheen.
"Jeux.."pakilala niya sa sarili.
Nginitian sya ni Xavier pero si Jeux walang emotion.
"Finally I met you. I really wanted to meet you." Sabi pa ni Ex (Ex kasi mahaba masyado kung ifu-full name ko hehe) sabay kuha ng kamay nya.
"Ohpaaa.." biglang sabat ni Raff. Kawawang bata hindi makakain ng paboritong ice cream. Ube pa naman ang pinaka favorite nyang flavor.
"Sorry baby. We'll eat together so your umma won't get mad if you eat ice cream later okay?" Malambing na sabi ni Jeux sa anak. Eeeh? Bakit ngayon ko lang sya narinig ng ganyan? Dati nung sila ni bebeh hindi naman sya ganyan kalambing magsalita. Aba nag level up na ba sya?
"Yeeey!" Masiglang tugon ni Raff sabay tayo at pakarga sa ama.
"Excuse us please. Pakakainin ko lang si Raff. Sa counter lang kami." Paalam ni Jeux.
Tinawag nya ang isang crew para iligpit ang nilapag na ice cream sa mesa namin. Sakto namang tinawag na kami ng isang crew ulit para sa pre tasting.
"Proceed na po tayo sa mini dining hall. Sunod lang po kayo sakin." Sabi nito.
Sinundan na namin sya. Bale dumaan kami sa gilid ng counter, may pinto papunta sa labas. Then sa likod pala nun may garden na puno ng tulips at orchids. May isang building na hindi naman masyadong malaki, eto siguro ang dining hall pag may mga caterings sila na dito hineheld. May mga statue pa ng mga cartoon character at posters ng mga fairytales. Yung iba hand made na mga statue at sa labas ng hall may mini table naman at mga bench para sa mga gustong tumambay sa labas. Ang gandaaaa!
"Susunod nalang daw po si sir." Sabi pa ng crew.
"Dito din ba iheheld ang birthday party ng anak ko?" Tanong ni bebeh.
"hindi po namin alam. Kasi po dalawa ang building na pinagdadausan ng mga parties. Bale itong mini dining hall po para sa mga minor events lang. Depende po ata sa bayad at desisyon ng magpapaschedule. Meron po kasi sa bahay nalang po nila pinapahatid ang mga foods at yung mga major events po like weddings or yung bonggang party po eh sa kabilang building po sa likod nitong mini dining hall." Explain nito. Ohh. Meron pa palang extension itong dining hall na ito? Amazing!
Tumango nalang si bebeh bilang sagot habang hawak ang kamay ni Ex.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...